Unity Walk ng gubernatorial candidates sa Bulacan naging payapa

0
91

NAIDAOS ng maayos ang unity walk na ginanap sa Barasoain Church kamakailan na dinaluhan ng buong team ni Mayor Christian “Agila” Natividad at People’s Governor na si Vice Governor Daniel Fernando.

Animo’y hindi magkakalaban at may ngiti sa mga labi ang kanilang mga batian, gayun din si Governor Willy Alvardo na kandidato ng bise gobernador ni Fernando.

Samantala tinanong ng inyong lingkod bakit kailangan kalapati ang hawakan ng mga kandidato upang paliparin tahasan sinagot ni Natividad na kasi ang Agila hindi nila kanyang hawakan sabay ngiti.

Pinutakti ng mga mamamahayag si Agila na parang magkakatropa at sabay sabi saan tayo.. Mabuhay ka MAYOR.

*****

Kasalang Bayan ng Angat, Bulacan daming natuwa

Halos 30 couple ang binigyan pagkakataon upang mag-isang dibdib. Bakas sa mga bagong kasal ang kasiyahan habang naglalakad sila sa red carpet habang tinatawag ang kanilang mga pangalan.

Sa hirap ng buhay ngayon marami ang nahihirapan na magpakasal na magsising-irog. Nagsasama sila at dumadami ang mga anak na walang legal na dokumento bilang mag-asawa. Anila, uunahin namin ang bituka namin at gatas ng mga anak namin kesa magpakasal.

Kaya mula sa handog ng legendary Angat Mayor Narding De Leon na libreng kasalan ang daming natuwa ang boung team ng NARGIE ay nag handog pa ng mga munting regalo sa mga kinasal.

Parang pari sa mga binitawan salita ni De Leon kahanga hanga sa pangangaral. Mabuhay ka Yorme.

*****

Kandidatong Konsehal ng bayan ng Santa Maria, walang kuwenta!

Malimit natin naririnig sa mga kandidato na tulungan nyo kami suportahan nyo kami, kayo ang aming boss. Subalit taliwas ito sa isang kandidato na tumatakbong Konsehala ng bayan.

Malayong malayo ito sa isang lingkod bayan na ang puso ay nasa mahihirap o nasa laylayan kung tawagin. Paano mo sasabin na gusto mong maglingkod kung hindi ka kayang abutin ng mahihirap.

Napaka elite mong tao. Napakahirap mong abutin. Anu ang tunay na layunin mo at bakit ka tumatakbong konsehala sa bayan ng sta Maria?

Kakaiba din ang trip mu teng anu para protektahan ang negosyo nyo o gamitin mo ang posisyon pra sa pansariling INTERES?

Manahimik ka na lang at asikasuhin mu ang negosyo mo hindi ka pang masa. Kawawa ang taong bayan kung mananalo ka siguradong sisinuhin mu Ateng. De elib sayo si Lady Gaga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here