Home Taklesa Urban Gardening sa bayan ng Santa Maria, tagumpay

Urban Gardening sa bayan ng Santa Maria, tagumpay

32
0
SHARE

ANG programang “Urban Gardening” sa bayan ng Santa Maria ng tambalang Mayor Russel “Yoyoy” Pleyto, Vice Mayor Quirino “Ricky” Buenaventura at buong Sangguniang Bayan ay magiging isang kapaki-pakinabang sa bawat pamilya.

Sa pangunguna ni Larry Eugenio (Retired City Agriculturist ng Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan), matagumpay na naisagawa ang Urban Gardening Program sa bayan ng Santa Maria na may temang “ Gulay sa Bakuran, Pagkain sa Tahanan!” kaagapay sina Dr. Arnel Garcia, DVM (Municipal Agriculturist), George Cailipan, Adrian Gojo Cruz at Raquel Mauricio kung saan 21 mga barangay na ang sumailalim sa seminar at umaani na ng mga produktong gulay sa kasalukuyan.

Lubhang napakahalaga ng Urban Gardening sa bawat komunidad sapagkat lumilikha ito ng kabutihan kapag kalusugan ng tao ang pag-uusapan.

Para sa isang tahanan na may malaking bakuran at may espasyo ng paghahalaman, malaki ang nagagawa ng nasabing proyekto kung saan dito na mismo sa kanilang bakuran makakapag-alaga ng mga pananim na gulay at prutas.

Ang paglikha ng sariling pagkain tulad ng gulay o prutas sa sariling bakuran ay masasabing isang natatanging programa para sa bawat tahanan. Bukod sa ito ay masustansya (healthy) at malinis (fresh), abot-kamay na ito ay mapipitas o maaani ng mga nagsagawa ng urban gardening para pakinabangan nila ang mga bunga nito.

Sa tulong naman nina Mayor Pleyto at Vice Mayor Buenaventura, naipamamahagi ang mga libreng seedlings o malilit na halaman sa bawat pamayanan rito kung saan ito ang aalagaan at palalakihin ng mga taga Santa Maria na sumailalim sa urban gardening seminar.

Ilan sa mga seedlings na mabubuhay sa isang recycled material tulad ng containers at used plastic bottles ay ang mga sumusunod: talong, sili, kamatis, kalabasa, bawang, sibuyas, patatas, okra, petsay at iba pa.

Halos tapos ang bawat barangay sa naturang bayan sa kanilang seminar at nagkaroon na rin ng pormal na pagsasagawa ng urban gardening sa bawat komunidad rito. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous article22nd Halamanan Festival ng Guiguinto; ‘Halamanan sa Nagbabagong Panahon’
Next articlePolice Community Precinct sa Pulong Buhangin, pinasinayaan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here