Home Ronda Patrol VACC pabor na maibalik ang parusang death penalty sa bansa

VACC pabor na maibalik ang parusang death penalty sa bansa

654
0
SHARE

TAHASANG sinabi ng mga opisyales ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na pabor silang maibalik ang parusang kamatayan o ’yung tinatawag na Republic Act 7659 Death Penalty Law na ipina-abolished ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act. 9346 dahil sa sunud- sunod na pagpatay o high profile killings ngayon lamang buwan ng Mayo kaya naalarma ang publiko para sa seguridad ng bawat isa dahil umano sa mga nangyaring pamamaslang sa mga sumusunod.

*Father Mark Ventura na isang indigenous people at isang aktibista na binaril matapos ang kanyang Misa nu’ng Mayo 11.

*Deputy City Prosecutor Rogelio Velasco na hinarang ang kanyang sinasakyan at pinagbabaril ng mga suspek na sakay ng mga motorsiklo nitong Mayo 11.

*Rogelio Lico natalong kandidato bilang Brgy. Chairman na pinaslang ng mga na nagpanggap na taga deliver ng sulat sa loob mismo ng kanyang pamamahay nuon Mayo 19 sa San Isidro, Antipolo Rizal.

*Brgy.Chairman Demetrio Deomampo ng Laurel, Batangas na sinabayan ng riding in tandem ang kanyang sasakyan at pinaulanan din ng bala sa bayan ng San Jose Batangas.

Lahat umano ng krimen na ito ay hindi pa nalulutas at napapanagot ang mga suspek at nasa likod nito kaya patuloy na nakakalaya at banta sa seguridad ng bawat isa.

Paliwanag ni VACC President Cory Quirino, itinatag umano ang gupo para tumulong sa mga naging biktima ng mga karumal-dumal na krimen tulad ng rape, murder, kidnapping at maparusahan ang mga may gawa nito ng pinakamabigat na parusa na ayon sa batas.

Nagsalita rin si VACC Vice Chairman at Spokesperson Arsenio Boy Evangelista na mariin nilang kinokondena ang mga pagpatay na kinasasangkutan ng mga riding criminals o gun for hire syndicates.

Nanawagan din siya sa mga mambabatas na muling maibalik ang parusang bitay bilang pinakamabigat na parusa sa mga walang awang gumagawa ng mga kahindik-hindik at kakila-kilabot na krimen na ngayon ay pinagdedebatehan at pinagtatalunan parin sa Kongreso at Senado.

Hiniling din ng anti crime and corruption group na maisama sa parusang kamatayan ang mga may kaso ng plunder.

Taon 2016 ng sabihin sa isa sa State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siyang maibalik ang nasabing batas at kailangan maaprubahan sa Senado ng 2017. Ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw ang batas na ito at malabo nang maaprobahan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here