Home Showbiz Vhong ikinasal sa long-time partner sa Japan

Vhong ikinasal sa long-time partner sa Japan

49
0
SHARE

HALOS isang dekada mahigit na ang relasyon ni Vhong Navarro sa kanyang girlfriend na si Tanya Bautista.

Nag-post ang long time partner ng It’s Showtime host sa kanyang socmed ng kanilang larawan ni Vhong kung saan sila ay nasa isang disyerto.

Tuwang-tuwa ang girl dahil sa mahaba nga namang panahon ay ikakasal na sila ni Vhong. Nakatakdang ikasal sina Tanya at Vhong ngayong araw na eto (November 29) sa Kyoto, Japan.

Hindi live na mapapanood ang kanilang programang It’s Showtime dahil nag-advance taping sila para dumalo sa kasal ng kapwa nila co-host.

Sina Kim Atienza, Vice Ganda, Jhong Hilario, at Anne Curtis kasama ang asawa nitong si Erwan Heussaff.

Inaasahang isa sa principal sponsor ang talent manager ni Vhong at director na si Chito Rono.

Maging si Ms. Roselle Monteverde ay nasa entourage rin bilang principal sponsor.

Para sa kaalaman ng lahat ang longtime girlfriend ni Vhong ay isang resident writer ng ABS-CBN.

Si Vhong ay annulled na sa dating actress na si Bianca Lapus kaya malaya na niyang mapapakasalan ang long time girlfriend. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleAma ni Alden nagpatotoo na walang asawa, anak ang Pambansang Bae
Next articleVictor ikinasal na rin!
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here