Home Showbiz Vice Ganda gustong magtayo ng all-gays school

Vice Ganda gustong magtayo ng all-gays school

29
0
SHARE

ISA sa mga pangarap ni Vice Ganda ay ang makapagtapos ng pag-aaral na hindi niya nagawa.

Pero, natutuwa siya kapag may mga nakakausap na mga baklang nakagradweyt.

Alam ni Vice na maraming mga gay na hindi nakakapagtapos kaya naman may plano ang Unkabogable Superstar na magtayo ng isang eskwelahan para sa mga 1st ever all-gay school sa bansa.

Ani Vice, kung may exclusive schools for boys and girls, then dapat daw ay magkaroon din ng exclusive schools for the gays community.

Sambit ng phenomenal superstar: “Natutuwa ako pag maraming baklang nakaka-graduate. Kasi di ko naransan yun eh, yung grumaduate. Parang yung pangarap ko, naisasaktuparan niyo.”

Eksplika pa niya, bigla na lang daw niyang naisip na gusto niyang mag-build ng isang all-gay school. Marami raw kasing baklang nahihirapang mag-aral dahil hindi raw inaaccept ng eskwelahan.

“’Di sila inaaccept nung mga kasama nila sa eskwelahan. Hindi nila narireach yung full capacity nila dahil nagtatago, dahil natatakot sila sa mga kasamahan nila sa eskwelahan. Pero kung merong isang eskwelahang yayakap, tatanggap, at susuporta sa kanila, lahat ng potensyal mailalabas. Hindi natin alam baka yung baklang binubully niyo, yun na ang susunod na president,” mahabang litanya pa ni Vice sa ‘It’s Showtime.’

Samu’t saring reaction naman ng netizens sa naiisip na idea ni Vice.

May mga bata pa raw na pwedeng maisalba sa pagiging gay, pero kung tinotolerate daw ang pagiging bakla malamang darating daw ang araw na baka ang lahat ng lalaking nabubuhay sa Pilipinas ay mga bading na.

May nagsasabi namang sana raw ‘yung mga nambabash kay Vice ay kaya ring magpatayo ng isang eskwelahan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleJOSHLIA break na?
Next article‘Feelinials’ ang movie ng taon!
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here