Home Showbiz Vice Ganda, pilosopong sinagot ang ‘statement’ ni Sen. Sotto hinggil sa SOGIE

Vice Ganda, pilosopong sinagot ang ‘statement’ ni Sen. Sotto hinggil sa SOGIE

57
0
SHARE

PINAG-USAPAN na sa Senado ang batas na ipinasa ni Senator Risa Hontiveros, ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Pagkatapos ng session ng mga senador nagbigay ng statemet si Senate President Tito Sotto hinggil sa ipinaglalaban ng LBTQ community.

Ani Sen. Sotto, ang ipinanganak ng lalaki ay hindi na magiging babae kailanman.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth. You do not have ovaries. You will never be a woman. So this to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Ang paratang na ito ay kinondena ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda.

Sa kanyang socmed ay sinagot ni Vice ang statement ng Senate Pres.

Aniya, ‘Joke po ba eto Hon. Senate President Tito Sotto?’

Sambit pa ng TV host-actor, ang pagiging babae daw ba ay nasusukat lang sa pagkakaroon ng matris at obaryo para sa kakayang magbuntis at magka-anak.

Papano naman daw ‘yung mga tinanggalan ng obaryo at hindi na pedeng mag-anak, hindi na raw ba sila babae.

Marami pang sinabi si Vice na para sa ibang netizen ay pawang kapilosopohan na raw.

Ani ng netizen, “Masyado ka naman atang padeep o namimilosopo ka lang …of course babae sila ke may anak o wala dahil ipinanganak silang babae. Wag ka na gumawa ng argumentong para lamang gumawa ng bagong pagaargumentuhan.

Ang trans ay ndi kailanman magiging babae.”

“Lahat ng babae may matris vice. Wag mong iligaw kse sa talino ml dapat alam mo ang ibig sabihin ni Sen Sotto.”

May kampi naman sa Senate President.

Aniya. “Tama naman ang punto ni Vice. Ang babae higit pa sa matris, o pagkakaroon ng anak. Kababawan naman na ang tingin sa babae ay palahian lang.”

Ang iba namang netizen ay mukhang nauuta na sa balita dahil panay na lang daw LGBTQ ang pinag-uusapan samantalang marami daw dapat ayusin ang mga mambabatas na problema para sa bansa.

“Nakakasawa na rin pagiging entitled ng mga LGBTQ communtity. Puro na lang ba dapat pabor sa inyo. Ang daming problema ng Pilipinas tapos panay toilet ang pinag dedebatehan sa Senado.”

“Pagtuonan nyo nman ang ibang problema ng bansa na malala talaga. Traffic, baha, basura, mga magsasakang halos hinihingi na ang palay sa mura pero ang mahal ng bigas!”

Ang iba namang netizens ay concerned naman sa mga nangyayaring problema ng Pilipinas.

“I do respect your statement Vice pero si Sen Sotto, sana irespesto mo din. May kanya kanya tayong opinion pagdating sa issue na yan and to be honest dapat hindi nyo na pinapalaki pa dahil mas marami pang mahalagang problema ang Pililpinas, wag na naman kayong gahaman. Sa Pilipinas alam natin tanggap naman karamihan ang LGBt community bat may bill pa kayo na gustong mapasa.. Pilipinas ito at sana unahin muna mas importante.”

Sinasabi naman ng iba na Stone Age daw si Sen. Sotto, pero kung ang pagsasabi ng facts ay utak Stone age, ano naman daw kaya ang tawag sa biological sex na nakalagay sa birth certificate. Nakalagay lang naman daw sa gender ay male or female at walag mo gender options na lgbt, transgender, or others.

Sana raw after ng SOGIE hearing pakiusap ng concerned netizens, sana raw ang plight naman ng farmers ang pagtuunan ng pansin ng Senado.

Si Vice naman ay naninindigan na hindi patas si Sen. Tito sa kanyang mga ipinahayag. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMga sasakyan galing NLEX, makakaderecho na sa SLEX sa Disyembre 2019
Next articleKris sinabihang may IQ deficiency ang basher
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here