Home Taklesa Vice Mayor-elect Len Pineda, patuloy na maglilingkod sa mga Malolenyo

Vice Mayor-elect Len Pineda, patuloy na maglilingkod sa mga Malolenyo

151
0
SHARE

SA loob ng tatlong termino o katumbas ng 9 na taon ay ipinakita ni Vice Mayor-elect Len Pineda ang husay at tapat na pagli­lingkod sa mga Malolenyo.

Hindi maipagkakaila na sa loob ng panahong nabanggit ay isang serbisyong makatao at maka-Diyos ang kanyang ibi­nahagi sa mamamayan ng Malolos.
Hindi na mabilang ang mga ordinansa o panukala na kanyang iniakda para sa ikabubuti ng kabuhayan ng mga Malolenyo. Mga panukalang magtataas ng antas ng pamumuhay ng mga kababayan.

Kabilang dito ang Kautusang Panlungsod Blg. 37-2011 — na nagtatakda ng 80% na taga-Malolos ang maigigng mga empleyado sa kompanyang itatayo sa lungsod at ang Kapasiyahang Panlungsod Blg. 189-2011 — ang pagbibigay ng DOLE at Pamahalaang Lungsod ng Kabuhayan Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) Project sa mga Malolenyo.

Hindi rin nagkait ng tulong si Vice Mayor-elect Len sa mga nangangaila­ngan ng kanyang suporta mga batang Malolenyo na nangangailangan ng tulong-edukasyon.

At sa panibagong yugto ng kanyang paglilingkod ay ipagpapatuloy ni Vice Mayor-elect Len Pineda at kanyang serbisyo sa mama­mayang Malolenyo sa abot ng kanyang makakaya.

Ang paglilingkod na ilalatag ni Vice Mayor elect Pineda ay magiging doble sa serbisyong na kanyang ibinigay nung siya ay konsehal pa lang.

Kaya sa kanyang panunungkulan bilang bise alkalde at asahan na ng mga Malolenyo ang pagpapatuloy ng kanyang wa­lang kapalit na serbisyo sa masang Malolenyo.

Mas maraming panukala at ordinansa ang kan­yang ipagtitibay bilang presiding officer ng Sangguniang Panlungsod at sa suporta rin ng miyembro ng konseho.

Si Vice Mayor-elect Pineda ay subok na sa serbisyo, may paninindigan at kailanman ay hindi nababayaran at nasangkot sa anomalya.

Hindi siya nauubusan ng mga programa o proyekto na sa tingin niya ay papakinabangan ng mamamayan ng Malolos.

Ang bagong halal na bise-alkalde ay subok na serbisyo at nakasisigurong ipaglalaban ang bawat Malolenyo!!!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.
Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBatas para sa karapatan ng mahihirap ni Kuya Jonathan, naipasa na!
Next articleP10M mula DOST, ipinagkaloob sa Research & Development ng BulSU
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here