Victor ikinasal na rin!

0
143

KASAL na rin lang ang topic kaya susundan na namin ng actor at singer na ikinasal na.

Kaya pala nanahimik na sa kanyang career ang actor-model na si Victor Basa ay dahil pinaghahandaan niya ang pag-aasawa.

Katunayan dalawang buwan lang ang preparation nina Victor at ang girlfriend na si Stephanie Dan na isang singer at sila’y nagpakasal na.

Tatlong taon ang naging relasyon nila at last September 2019 ay nagplano na silang magpakasal.

After ng dalawang buwan ay ikinasal na ang dalawa. Christian wedding sila last November 10.

Victor Basa and Stephanie Dan tie the knot in an intimate, botanical-themed Christian wedding held on November 10, 2019 sa Angelfields Nature Sanctuary sa Silang, Cavite.

Sa isang ekslusibong panayam sa actor, eksplika niya “The theme was botanical as we are both plant enthusiasts.”

Ayon pa kay Victor ang kanyang wifey ay dati niyang kaklase sa Brent School.

Nagkahiwalay lang daw sila nang ma-attached siya sa modeling at acting.

Parehong Christ’s Commission Fellowship ang newly-wed couple.

Ayon kay Stephanie naniniwala siyang ang pagiging Christian nila ni Victor ay mas nakatulong na maging matatag ang kanilang relasyon.

Paghahanda na rin para rawsa panibagong chapter ng kanilang buhay.

Si Jake Cuenca ang best man ni Victor. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here