Home Showbiz Video scandal ni Jim ‘nakalkal’ dahil sa pagbatikos kay Sen. Bong

Video scandal ni Jim ‘nakalkal’ dahil sa pagbatikos kay Sen. Bong

39
0
SHARE

BINABATIKOS ni Jim Paredes ang pagbabalik telebisyon ni Senator Bong Revilla.

May show kasing gagawin ang actor-politiko sa GMA-7 na isang fantasy drama.

Ang number one detractor ni Bong na si Jim ay muling umalma sa pagbabalik telebisyon ng una.

Dati nang binabatikos ng veteran singer ang senador dahil sa pagkakasangkot ni Bong sa kontrobersyang PDAF.

May nabasa sa entertainment page si Jim hinggil sa pagbabalik-telebisyon ng senador.

Muling nag-react ang veteran singer, “PERA PERA PERA lahat. Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan? C’mon GMA. You can do better than this.”

Dahil sa pamumuna ni Jim, binweltahan siya ng netizens ng tungkol naman sa kanyang sex video scandal na naglabasan.

Tigilan na umano nito ang pagrereak ng kung anu-ano sa kanyang kapwa celebrity.

Tingnan daw muna niya ang sarili sa salamin kung siya ba ay napakalinis na tao.

“Let him who is without sin cast the first stone.”

Tuloy muling naungkat ang kanyang kabastusang o kahalayang ginawa.

Sabi ng netizen, ‘Wag kang masyadong seloso. Kaw talaga… mas okay na ‘yun kesa ikaw na nagma-masturbate at may padila-dila pa.’

“Tama ang opinyon mo, kaso nawawala ang effectivity dahil sa ikaw ang nagsasabi. Parang ‘yung batikos ng batikos sa gawain ng kapitbahan nyang immoral pero sya mismo ‘di morally ‘upright’ banal kuno pero sa likod manyakis pala.”

Dapat daw ay nanahimik na lang ang veteran sa singer nang sa ganun ang ‘nakakahiya’ niyang ginawa sa publiko ay ‘di na nauungkat pa.

Oo nga naman! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleAngel Locsin binuking si Bea kay Dom Roque
Next articleRegine Velasquez nagpaka-fan kay Catriona Gray
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here