Viruses: Kalabang ‘di nakikita

0
40
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

PATULOY ang paglobo ng bilang ng mga taong apektado ng novel corona virus sa iba’t ibang panig ng mundo na ang pinakamaraming tinamaan ng 2019 nCoV ay ang bansang China, kung saan sa siyudad ng Wuhan, sa Hubei Province ang epicenter ng deadly viral disease.

Ang viruses, ayon sa health experts ang pinakamaliit na uri ng mikrobyo na mabilis ang pagkalat subalit hindi naman nakikita ng mata ng tao, maliban na lamang kung gagamit ng microscope para makita ang naturang mabagsik na coronavirus.

Kaya ipinapayo ng health experts na umiwas sa mga tao na may sipon, ubo at lagnat, lalo na ang mga tao turista man o hindi, may nCoV man o wala. Hindi nakikita. ang virus kaya mas mabilis ang contamination ng virus kapag nalanghap ang mikrobyo mula sa droplets ng taong infected ng nCoV.

Nakapamamahay ang virus sa mga bagay na hinipo ng taong carrier ng virus tula ng doorknob, handrail, vidae, faucet at iba pang mga bagay na palaging hinahawakan ng tao. Kapag nahawakan kasi ang anumang bagay na hinipo ng taong maysakit ay sa paraang ito naisasalin ang virus sa isang malusog na pasyente.

Ang common-flu virus at cold virus ay matagal ng namamalagi sa Pilipinas. May panahon na lumalakas ang puwersa ng mga mikrobyong ito tulad ngayong panahon ng taglamig. Wala namang pinipiling panahon ang mikrobyo ng sipon. Kahit nga tag-init ay nauuso ang sipon at ito namang trangkaso ay biglang sumusulpot tuwing tag-ulan o sa pagitan ng pagpapalit ng klima.

Hindi natin mapipigilan ang pagkalat ng anumang uri ng mikrobyo, bacteria man o virus. Ang mahalaga sa lahat ay ang kalinisan. Palagiing malinis ang mga kamay. Dalasan ang paghuhugas ng kamay at gumamit ng hand sanitizer o alcohol bago humipo ng mga bagay na madalas hawakan ng tao at imentina ang palagiang pag-aaplay ng alcohol at sanitizer sa kamay upang maiwasan ang impeksiyon na idinudulot ng mikrobyo.

Noong lumaganap ang SARS at MersCoV, maswerte ang Pilipinas dahil hindi tumama sa sa ating bansa ang nasabing epidemya. Siguro ay mainit sa Pilipinas kaya humihina ang resistensiya ng nasabing viruses. Sana naman ay hindi na kumalat pa sa Pilipinas ang nCoV. Ipagdasal po natin na tumigil na ang paglaganap ng coronavirus. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here