VM Monsour ‘first class’ na serbisyo ang hangad para sa taga-Makati

0
263

SA susunod na buwan ay eleksiyon kaya naman ang mga politiko ay kanya-kanya ng diskarte kung papanong makukumbinsi ang mga botante.

Isa na dito ang dating action star na si Monsour del Rosario kung saan nasa tiket siya ni Junjun Binay bilang bise alkalde ng Makati City.

Mainit ang labanan sa Makati dahil ang magkapatid na Junjun at Aby ang magkatunggali bilang alkalde. Pero isa sa mga dapat ding pagtuunan ng pansin ay ang Vice Mayor seat kung saan siyang tinatakbo ni Monsour na kasalukuyang Congressman ng unang Distrito ng Makati.

Mainit na tinanggap ng mga taga-Makati sa kanyang unang motorcade ang Olympian at Chef de Mission ng Philippine Sports Team.

“Nakaka-touch na makitang mahal tayo at tinatanggap tayo ng mga tao. Minsan may lalapit at magsasabi sa atin na salamat at hindi natin iniwan ang lungsod. Ang iba naman nagpapasalamat dahil natulungan natin sila. Hindi ko to makakalimutan. Hindi dapat kalimutan ng mga halal na kandidato na responsibilidad nila ang kapakanan ng bawat tao sa lungsod,” sabi ni Monsour.

Idinagdag din niya na marami siyang gustong gawin kapag siya ang nanalong Vice Mayor ng Makati.

“Pangarap ko na magkaroon ng First Class na serbisyo dito sa Makati. Yung hindi na pahihirapan ang mga tao. Hindi ka papipilahin nang pagkahaba-haba para lang sa medical assistance.

“First Class na edukasyon, hindi lang basta bigay ng bigay ng kung ano-ano, kundi sa kalidad mismo. First Class na public facilities.

“First Class na peace and order! Lahat yan, kayang kayang gawin. Kung may 18 billion na budget kada taon ang Makati – hindi dapat ganito ang patakbo sa lungsod,” sambIt pa ng runningmate ni Junjun na si Monsour. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here