‘Volunteer’ na may bitbit na P50K na shabu, nasakote sa ECQ checkpoint sa Bocaue

0
3361
Ang drug suspek na si Anthony Medina (kaliwa) na nahuli sa isang Enhanced Community Quarantine (ECQ) checkpoint sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Huwebes ng hapon, May 7, 2020. (Larawan mula sa Bocaue PNP)

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Arestado ang isang nagpapanggap na volunteer na nagbibigay ng pagkain sa mga frontliner matapos itong masabat na may bitbit na shabu na aabot sa halagang P50,000 sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) checkpoint sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Huwebes ng hapon.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rizalino Andaya, Bocaue police chief, kinilala ang nadakip na drug suspek na si Anthony Medina, 39-anyos, tattoo artist, may-asawa at residente ng Block 36, Lot-14, Phase 6-D, Tower Ville 6, Brgy. Gaya Gaya, City of San Jose del Monte.

Ayon kay Andaya, ang nasabing suspek na nasabat bandang alas-3:20 ng hapon ay kabilang sa PNP PDEA unified watchlist.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagpapatupad ng isang ECQ checkpoint ang Bocaue police sa Brgy. Lolomboy ng pahintuin at suriin ang naturang suspek na lulan ng kulay itim na Yamaha Mio Soul I.

Hinanapan ng mga pulis si Medina ng quarantine pass ngunit naging balisa at kinakabahan ito. Nagmamadali itong kunin ang kanyang quarantine pass sa loob ng kanyang kanang bulsa ng hindi sinasadyang isang maliit na selyadong plastik na sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang napansin ng mga pulis.

Agad na inaresto ang suspek at nang inspeksyunin ang compartment ng motorsiklo nito ay nakuha pa ang anim na small plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu at drugs parapharnelia.

Ayon pa kay Rizalino, nagpapanggap na volunteer ang suspek at nagbibigay ng pagkain sa mga frontliner sa ECQ checkpoint para makalusot.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang limang bulto na shabu na aabot sa halagang P50,000.

Pansamantalang nakadetine ngayon ang nasabing suspek sa Bocaue lock-up jail at nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, RA 9516 at Disobedience to Agent of Person in Authority. (RONDA BALITA Online)

Previous articleNational Press Club members get P5,300 from DOLE
Next articleSecurity Bank elects new Directors to the Board
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here