Wagas na pagtulong ni Mayor Roque ng Pandi

0
134
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PASASALAMAT ang ipinaabot ng yumaong Cecilio “Celing” Galvez, isang mamamahayag sa Lalawigan ng Bulacan, bago ito tuluyang pumanaw, kamakailan.

Ang mensahe ay nagmula sa Ginang ni Celing, at ipinadala sa isang kaibigang reporter na si Bong Cruz, narito po: “ipaabot mo kay Mayor na sa pagdedeliryo ni Celing siya unang naisip, at inuutusan akong pasalamatan ko kung mamatay na siya.

Mula’t mula daw eh nakaagapay si Mayor Roque sa kanya, lalo na ng ma-dialysis siya. Bahala ka na magsabi kay Mayor Rico ng pasasalamat ni Celing, at ipanalangin nating ipagkaloob na ng Diyos ang minimithi n’yang kapayapaan.”

Naging saksi ang inyong Katropa, ng sabihin ni Mayor Rico Roque ng bayang Pandi, Bulacan, noong nagpapagamot pa si Celing, na padadalhan niya ng tulong, sa halagang P2K kada buwan.

Narito ang reaksyon ni Mayor Roque: “oo nga Kuya eh nakalulungkot na, wala na si Ka Celing. Si Ka Celing ang isa sa kauna- unahang ‘local media’ na nakasama ko, hindi pa man ako Mayor. Natatandaan ko kasama ko siya noong ‘filing’ namin noong Oct. 2009.

Sabi niya sa akin magiging mayor ka, mula noon hanggang ngayon para akong anak niya na kapag may kailangan nag-text yon. Alam ko din ang bank account niya kasi madalas doon ko ipinapadaan ang kaunting tulong natin sa kanya.”

Tsk!Tsk! Tsk! Rest in peace Celing at Mabuhay ka Mayor Rico Roque ng bayang Pandi!

*****
Pangyayari sa LSJDM

Tila dumarami ang mga menor de edad na nakararanas ng hindi kaiga-igayang gawi, tulad ng pangaabusong sekswal.

Ngayong panahon ng epidemya, lahat ng ‘underage’ ay hindi pinapayagang lumabas ng bahay. Lahat ay nakatutok sa kani-kanilang pinagkakaabalahan: ang pakikinig, pagtsa-chat, pakikipagkaibigan, panonood at pagtunghay sa mga larawang naka-post sa social media o internet.  

Ang ilan sa kanila (menor de edad) ay nakaka-eksperensiya ng sekswal na karahasan, sa pagpo-post ng maseselang bahagi ng katawan, pakikipag-ugnayan sekswal, at sa pagtingin o panonood sa mga for adult only segment na matutunghayan sa internet.

Batay pa sa ulat na ating natunghayan, ay dapat na malaman ng mga kabataan ang kabuluhan ng dapat at hindi dapat sa sex, ng sa gayun ay mapangalagaan ang kani-kanilang buhay laban sa pangaabusong sekswal.

Hinihikayat ng mga kinauukulan ang mga magulang, na sinuman sa kanilang mga anak na menor de edad ang nakadaranas ng ganitong mga pangyayari o pangaabuso, ay huwag mag-atubiling lumapit sa mga maykapangyarihan upang sa gayun sila ay maituwid at maproteksiyunan.

Sa kabilang banda ay nagkaroon kamakailan ng pagtatagpo at miting ang mga puno ng tanggapan sa City hall ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) sa pangunguna ni Mayor Arturo Robes.

Kanilang pinag-usapan ang mga hakbangin sa muling pagbalik ng maayos na pamamalakad sa lugar ng pamahalaang lokal.

Sa nasabing pulong ay nagkaroon din ng panunumpa sa tungkulin ang mga kawaning naidagdag sa pamahalaang lungsod, upang maging kaagapay sa pagbibigay ng maayos na serbisyo sa sambayanan.

Hindi naiwasang pag-usapan ang tungkol sa epidemyang dulot ng corona virus, kung saan ipagpapatuloy ang mga programa na siyang magbibigay ng proteksiyon at pangangalaga sa buhay ng mga kawani at pagapula sa patuloy na pamamayagpag ng nasabing nakamamatay na sakit.

Tsk! Tsk! Tsk! Sa mamamayan ng LSJDM, sa pangunguna ni Mayor Robes, Mabuhay po kayong lahat! (RONDA BALITA Online)

Previous articleMagastos na exploration sa planet Mars
Next articleGov. Daniel Fernando, wagi ang laban sa COVID-19
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here