Home Pilantik Wala kang binatbat!

Wala kang binatbat!

22
0
SHARE

SA edad kong ito, wala na yata akong ma­alala na hindi kagandahang pananalita na aking nasabi sa aking kapwa sa dahilang ayaw kong bumalik sa akin anuman ang ibubunga ng hindi ko napag-isipan o binitiwang salita.

Ingat na ingat si PILANTIK dahil ayaw na ayaw nitong makasakit ng damdamin na maaaring maging lamat upang ang isang magandang pinagsamahan ay mawasak ng ganoon na lamang.

For almost two decades of being a reporter and a columnist, no one can tell that I am violating the media rules and regulations. Everybody knows that I am fair to all articles that I am writing but others don’t understand.

Inspite of everything, I am trying to understand their feelings. Kaya naman pinipilit kong ilagay ang lahat sa ayos sa kabila ng alam kong wala akong nagawa o nasabing pagkakamali upang wala kahit sino ang magkaroon ng hindi magandandang pananaw sa bawat artikulong aking isinusulat.

Alam kong kung hindi man ako hadlang sa paniniwala ng ilan sa larangan ng pagsusulat, batid nilang isa akong malaking “tinik” sa lahat ng hindi magandang layunin at gawain lalo na yaong salungat sa akin o hindi sang-ayon sa aking paninindigan at ipinaglalaban. Ang tamang pamamaraan at malinis na layunin ng anumang samahan partikular ang samahang aking kinabibilangan.

PILANTIK is a kind of person who stands for the right and not for the wrong doings of many. Alam na alam iyan ng nakararami maging ng mga taong labas sa samahan.

Para sa inyong kaalaman ang aking partisipasyon sa samahan ay isa lamang libangan at tahasan kong sinasabi sa iyo na hindi ko ito pinagkakakitaan kahit sa ligal na pamamaraan. Walang sinuman ang makapagsasabi na si PILANTIK ay tumanggap o nakinabang kahit na kaninong opisyal ng ating pamahalaan.

Wala kahit sino ang makapagsasabi na si PILANTIK ay nagawang mangitlog o mamugad sa kahit kaninong tanggapan o opisina ng sinumang opisyal sa ating pamahalaan.

Malayo ako sa iyo kaibigan!

Ginawa ko ang artikulong ito hindi upang manumbat o ang manira ng kredibilidad ng sinuman kundi ang pamukhaan ang isang tao na kung makapasalita ay NUKNUKAN NG GALING subalit ang katotohanan ay ang pagiging sobrang “SIPSIP” sa opisyal ng bayan na kaniyang mistulang ginagatasan.

Si PILANTIK ay hindi ang klase ng kolumnista na bibira ng bibira na matapos maayos ay tuluy-tuloy naman ang pagngolekta. Attack and Collect.

Alam kong sa artikulong ito natauhan na ang nag-iisang tao na ang tingin sa kanyang sarili ay ubod ng galing at hindi kayang abutin.

KAIBIGAN humarap ka sa salamin at ikaw na ang magsabi kung nasaang kalalagayan ka na. WALA KA PANG BINATBAT.

Kung naging palaisipan man ito doon sa mga taong alam nila na hindi sila ang aking inuupakan, ako sana ay pagpasensyahan. Sadyang hinihingi na ng pagkakataon upang magising na sa katotohanan ang nag-iisang tao na sukdulan ang kayabangan! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here