Home EXTRAFONTS Wala pa sa ‘critical level’ ang Angat Dam

Wala pa sa ‘critical level’ ang Angat Dam

11
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

IDINADAHILAN ng Manila Water na ang water interruption na nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila, partikular sa matataas na bahagi nito ang mga siyudad ng Mandaluyong, Pasig at Quezon City ang pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Bukod sa kawalan ng ulan sa panahon ng tag-init, naging karagdagan pa sa problema sa tubig ang malaking demand buhat sa mga water consumer. Habang umiinit kasi ang panahon ay lalong lumalakas ang pagkonsumo sa tubig sa mga kabahayan, mga opisina lalo na ang mga pabrikang industriyal.

Matinding kalbaryo sa mga mamamayan ng Metropolis ang pag-aabang ng tubig sa kalsada sa mga trak na nagrarasyon ng tubig. Hindi biro ang mag-abang sa mga trak na nagrarasyon ng tubig na ang karamihan sa kanila ay halis hindi na natutulog sa gabi habang nakapila at nakabantay sa kanilang water containers.

Pero may paglilinaw ang Manila Water na hindi raw lalagpas sa tag-init ang water interruption sa mga lugar na kanilang sinisilbihan ng tubig. Baka nagawan na nila ng paraan na makakuha ng malaking bulto ng tubig buhat sa water suppliers, tulad ng Ipo Dam. Ang dam na ito sa Bulacan ay kumukuha naman ng suplay nag tubig sa Angat Dam.

Ito namang Angat Dam ay nasa normal na antas pa ang tubig kaya walang dapat na ikabahala ang mga mamamayan na umaasa sa tubig na nanggagaling sa naturang water reservoir.

Ang lumalaking populasyon ng mga tao sa Kalakhang Maynila ang pangunahing dahilan kung bakit palaki nang palaki ang demand sa tubig ng water consumers. Kung hindi maoipigilan ang pagsisiksikan ng mga tao sa Metro Manila ay talagang malaking problema ang kakaharapin ng water distributors dahil mahihirapan na silang suplayan ang lumolobong bilang ng populasyon ng tao sa National Capital Region.

Kaya kapag natapos na ang Bulacan Bulk Water Supply Project na kasalujyang naglalatag ng water pipes sa nga lugar mga bayan at mga siyudad sa Bulacan na sakop ng proyekto, sa kauna-unahang pagkakataon mula ng maitayo ang Angat Dam, ay makikinabang na ang mga Bulakenyong sa tubig ng naturang dam.

Ang mga Bulakenyo ay matagal na gumagamit ng ground water na isinusuplay naman ng local water districts. Kapag ang tubig sa Angat Dam ay tumulo na buhat sa mga gripo sa mga kabahayan sa Bulacan ay malamang na mas malakas ang pressure ng tubig na isisilbi sa mga Bulakenyo dahil nasa kalupaang sakop ng Bulacan ang Angat Dam.

Una nang nagpaalala ang Manila Water na may oras kung kailan magkakaroon ng tubigaraw-araw sa maraming barangay sa siyam na mga lungsod na sineserbisyohan nila.

Nilinaw din nila nitong Biyernes na hindi lalagpas sa tag-init ang mga serye ng water interruption.

Nagkulang ang suplay ng tubig ng Manila Water dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam, ang emergency source nito, sa gitna ng kawalan ng ulan, at pagtaas ng pangangailangan ng mga konsumer. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article20 MSMEs sa Bulacan, pasok sa Kapatid Mentor ME Batch 3
Next articleSystems upgrade set to improve electronic banking and ATM experience
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here