Home Lady Gaga Walang katapusang problema sa basura

Walang katapusang problema sa basura

145
0
SHARE

TAUN-TAON na lang ay palaging problema ng mabababang lugar ang baha at ang kaakibat nitong sandamakmak na basura na nagiging sanhi ng pagbabara ng mga kanal.

Tulad na lang ng nangyaring pagbabara ng mga waterway sa Metro Manila. Sa paghuhukay na ginawa ng MMDA sa mga baradong kanal, nalaman na nagiging sanhi pala ng pagbabara ng nga kanal ang used oil na itinatapon mula sa mga karinderya at food stores.

Ang masamang epekto ng gayong aktibidad ay nabubuo tulad matigas na graba ang itinatapong mantika sa waterways. Dahil barado, umaahon sa kalsada ang tubig-ulan na nagiging sanhi naman ng baha.

Hindi naman dapat na mangyari ang gayon kung hindi tinatapunan ng langis ang kanal. Isa pang problema itong sandamakmak na basura na itinatapon sa kanal at estero.

Ang masaklap, ang solid waste mula sa creek ay inaanod sa dagat kaya pagdating ng panahon ng habagat, ang makapal na basura ay isinasalya ng storm surge sa Manila Bay.

Kaya parumi nang parumi ang ating karagatan lalo na ang Look ng Maynila. Ang basurang plastic ay napagkakamalang jellyfish ng mga isda kaya kapag kanilang kinain ay nagiging sanhi ng kamatayan ng mga lamang dagat.

Mahalin natin ang ating kapaligiran at ang karagatan dahil kapag ang dagat at patuloy na dumumi ay lalong lalayo sa mababaw na parte ng dagat at mga isda.wika nga, walang nahuling pagsisisi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here