Wanted na estapador ng Batangas, naaresto

0
6307

BALAYAN, Batangas — Nadakip ang isang driver na nasa Top 2 Most wanted sa Manhunt Charlie na may kaso ng 70 counts of estafa ng mga operatiba ng Balayan police.

Ang suspek ay nakilalang si Teodoro Garcia, alyas Teddy, 42 anyos, residente ng Brgy. Pooc, Balayan, Batangas.

Ayon sa report ng pulisya dakong 5:05 ng hapon nitong Miyerkules ng isilbi at arestohin ang suspek sa pamamagitan ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Ammorfina Cerrado-Cezar ng Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 155 ng Pasig City.

Pansamantalang nakakulong ang suspek na si Garcia sa Piitang Bayan ng Balayan at may inirekomendang piyansa na P40,000.00 kada kaso.(RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here