Home National News Wanted person, huli sa Ilocos Norte

Wanted person, huli sa Ilocos Norte

25
0
SHARE

PAGUDPUD, Ilocos Norte — Isang wanted person ang matagumpay na nahuli ng mga miyembro ng PNP sa bayang ito nung Lunes (Jan. 7).

Kinilala ng Pagudpud-PNP ang nahuli na si Ryan Martines y Tacata, 31 years old, binata, nakatira sa Brgy. Ligaya ng naturang bayan.

Si Martines ay hinuli ng mga operatiba sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge Nida Alejandro, Presiding Judge ng RTC 12, Laoag City, dahil sa paglabag sa Republic Act 10586.

Matatandaan na si Martines ay lasing na nagmaneho ng isang sasakyan kamakailan kung saan ay aksidenteng nakabundol ng tao ang kanyang minamanehong sasakyan.

Ang nahuli ay nasa kustodiya ng PNP Station ng Pagudpud matapos na mabigong magpiyansa ng 120,000 pesos. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBabaeng estudyante sa Ilocos Norte, nawawala
Next articleSelfie cops in Cebu relieved
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here