Home National News Wanted sa Palawan, nasakote sa Cavite

Wanted sa Palawan, nasakote sa Cavite

585
0
SHARE

DASMARIÑAS, Cavite — Nasakote ng otoridad ang isang kusinero na wanted sa Palawan sa kasong pangmomolestiya noong Miyerkules ng tanghali sa SM Dasmariñas, Barangay Sampaloc dito sa nasambit na bayan.

Ayon kay SPO2 Gerardo Sobrepena, ang nahuling wanted ay kinilalang si Shirlito Andao, alyas Lito, 42 anyos, tubong Magsaysay, Puerto Princesa City, Palawan at kasalukuyang nagtatrabaho bilang cook sa Kusina Gracia na may sangay sa SM Dasmariñas.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-12 ng tanghali ng isilbi at arestuhin ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Judge Jocelyn Sundiang Dilig ng Regional Trial Court Branch 47 ng Puerto Princesa City para sa kaso ng paglabag sa Violation of Sec. 5 ng R.A. 9262 na may petsang Sept 2017.

Pansamantalang nakadetine ang suspek sa Dasmariñas Jail at may inirekomendang piyansang aabot sa halagang P120,000. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleFeed store sa Batangas nilooban, magnanakaw dumaan sa bubungan
Next articlePDEA warns public against bogus agents
THE author is a broadcaster and a writer at the same time-based in the province of Batangas. Started as DZRH Operation Tulong until he became a broadcaster/commentator of DZRJ 810 Voice of the Philippines and MCVO News FM. A columnist and reporter of different national and provincial newspapers such as People’s Bulletin, Police Files Tonite, and Latigo. He is also a member of National Press Club of the Philippines.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here