Home Places, Events & Hangouts Wendy’s, Domino’s Pizza, nagbukas na sa Baliwag

Wendy’s, Domino’s Pizza, nagbukas na sa Baliwag

38
0
SHARE

BALIWAG, Bulacan — Magkasunod na binuksan ang dalawang global food brands na Wendy’s at Domino’s Pizza sa naturang bayan kamakailan.

Si Mayor Ferdie Estrella mismo ang nagpasinaya sa grand opening ng dalawang bagong negosyong binuksan sa bayang ito.

Ang pagpasok ng dalawang fast food chains ay nagdulot ng kasiyahan sa mga Baliwagenyo na hindi na kailangang dumayo pa sa malayong lugar para makakain dito.

Ikinatuwa naman ng mga bagong namuhunan ang mainit na pagtanggap at pagtangkilik ng mga tao na dumagsa at pumila sa pagbubukas nito. Sa katunayan ay patuloy na nararamdaman ang suporta ng mga Baliwagenyo sa walang patid na pila at sa dami ng mga kumakain sa kanilang branch dito.

Ang pagbubukas ng mga internasyonal na mga food chain na ito ay malaking patunay sa tiwala at kumpiyansa na ibinibigay ng mga negosyante sa bayan ng Baliwag. Para kay Mayor Ferdie, malaking bahagi ng pagpasok ng mga namumuhunan sa bayan ay ang epektibo at wastong pagpapatupad ng mga programa o Ease of Doing Business para mapadali ang pagnenegosyo sa Baliwag.

Ang Wendy’s na kilala sa kanilang mga burgers at sandwiches ay matatagpuan sa SM City Baliwag samantalang ang Domino’s Pizza naman ay nakahanay sa B.S Aquino Avenue, Baliwag Bulacan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBest in Robotics
Next articleEnergy Investments are Top Priority — Cusi
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here