Home National News Willie binalaan ang ‘Wowowin’ supporters

Willie binalaan ang ‘Wowowin’ supporters

37
0
SHARE

NAGBIBIGAY ng babala si Willie Revillame sa mga nanonood ng Wowowin.

Aniya, sa kanyang programa may scam na umiikot sa social media at ginagamit ang programa niyang Wowowin.

“Huwag po kayong maniniwala kapag may tumawag sa inyo na kayo ay nanalo ng malaking halaga sa Wowowin. Wala po kaming games na pinara-raffle. Ang lahat po ng games namin ay dito mismo sa GMA-7 nagaganap. May tatawag sa inyo at magpapakilala sa inyo na siya ay attorney at sasabihing kayo ay nanalo at pumunta kayo sa GMA-7 para i-claim ang premyo sa Wowowin, wala pong katotohanan ‘yan. Scam po ‘yan,” bigay babala ni Kuya Wil sa Wowowin supporters.

Samantala, ibinalita rin ni Kuya Wil na magre-remote ang kanyang programa sa mga darating na buwan sa international countries.

Naimbitahan daw sila sa Dubai para doon magtanghal sa June.

Tutungo rin daw sila sa Canada at Amerika.

Ani Kuya Wil: “Magdadala ako ng susi ng bahay.” Ibig sabihin mamimigay ng House and Lot si Kuya Wil sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleRyan sinumbat ang ‘panlilibre’ kay Karylle
Next article4Ps, small farmers benefit at SM’s Kabalikat sa Kabuhayan in Baliwag
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here