Home Rebelasyon Willy-Daniel noon, Daniel-Willy naman ngayon para sa patuloy na kaunlaran ng Bulacan

Willy-Daniel noon, Daniel-Willy naman ngayon para sa patuloy na kaunlaran ng Bulacan

47
0
SHARE

MULING pinatunayan ng mga pangyayari ang hindi mapapantayang paglilingkod na ipinamalas ng matatag na tambalan sa larangan ng serbisyo-publiko nina Governor Willy Sy-Alvarado at Vice Governor Daniel Fernando, sa nakalipas na siyam na taon na kanilang panunungkulan sa lalawigan ng Bulacan

Ayon sa nakararaming residente ng Bulacan, maitatala sa kasaysayan ang hindi mapapantayang samahan nila Gob. Willy at Vice Gob. Daniel dahil napanatili nila sa puso ng mga Bulakenyo ang kanilang matatag na samahan ng nagresulta upang higit pang umunlad ang kanilang lalawigan sa lahat ng aspeto ng paglilingkod at kaunlaran na patuloy na pinakikibangan ng kanilang mga kalalawigan.

At bilang patunay ng matapat na paglilingkod na ginawa ng samahang Gob. Willy at VG Daniel sa loob ng kanilang tatlong termino ay tumanggap at kinilala silang dalawa at ang kanilang lalawigan ng ibat-bang mga karangalan na umabot na ngayon ng may 137 mula sa ibat- ibang mga pribadong institusyon at pamahalaan ng gobyerno.

Si Governor Willy ay kung ilang ulit na pinarangalan sa ibat-ibang mga kategorya bilang isa sa pinakamahusay na lider sa buong Pilpinas, gayundin si Vice Governor Daniel na kinikilala rin bilang isa sa pinaka-mahusay na naging pangalawang punong lalawigan ng Bulacan, dahilan sa kanilang patuloy na paglalatag at pagpapatupad na mga programa at proyekto na pinakikinabangan ng mga mamamayan, na nagdala rin ng tunay at hindi mapapantayang kaunlaran.sa maraming mga lugar ng Bulacan.

“Matalino po ang mga Bulakenyo. Alam po namin na nararamdaman nila ang ginagawa naming pagkalinga at pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng ginagawang paglilingkod ng tambalang Willy- Daniel at pilit naming tinutugon ng kanilang pangangailangan sa abot ng aming kakayahan.” Ang pahayag ni VG Daniel Fernando makaraang magwagi bilang gobernador ng Bulacan, sa katatapos na halalan na ginawa sa bansa nitong nakalipas na Mayo 13, 2019.

“Wala pong magbabago sa samahang Willy-Daniel noon, Daniel-Willy naman ngayon, dahil patuloy naming ilalatag at hihigitan pa ang mga sinimulan naming paglilingkod sa inyong mga Bulakenyo sa pamamagitan ng pagpapalakas ng aming mga programa pang-lalawigan na nakapaloob sa pitong adyenda ng paglilingkod bayan.” Ang pahayag naman ni Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado na nagwagi naman bilang bise-gobernador.

Nagpaabot na muli ng kanilang mataus-pusong pasasalamat ang Tambalang Daniel- Willy sa kanilang mga kalalawigan, dahilan sa patuloy na pagtitiwala at suportang ibinibigay ng nakararaming mga Bulakenyo sa kanilang tambalan, na siya namang nagpapalakas ng kanilang loob upang maipagpatuloy pa ang iba pa nilang mga programa para sa kagalingan ng kanilang lalawigan at ng mga mamamayang Bulakenyo.

Congratulations sa inyong dalawa and more power.

Wish you all the best in serving the people of Bulacan. Mabuhay ang Lalawigan ng Bulacan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Nangungumlimbat’ na tauhan ng gobernador
Next articlePagkusinting garapalan. Bayan kailan ka pa matatauhan?
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here