Home Events ‘World Wide Walk to Fight Poverty’ ng INC, kasado na!

‘World Wide Walk to Fight Poverty’ ng INC, kasado na!

578
0
SHARE

INAASAHANG dadagsain ng mga kasapi ng Iglesia Ni Cristo ang nakatakdang “World Wide Walk to Fight Poverty” sa Linggo, Mayo 6, 2018 na gaganapin sa bahagi ng Roxas Boulevard kung saan sa Cultural Center of the Philippines (CPP) ang magigiging assembly point.

Ang naturang charity walk ay sabay-sabay na gaganapin sa 358 sites at sa 44 ibat ibang bansa at magsisimula ng alas-4 ng umaga sa Pilipinas.

Ang pinagsanib na puwersa ng INC members sa buong mundo ay isa sa mga international campaigns ng INC’s socio-civic programs sa ilalim ng pamumuno ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na layon na palakasin ang bigkis sa pagitan ng congregasyon ng Iglesia Ni Cristo at sa komunidad na kanilang pinaglilingkuran.

Ang unang WWW na inorganisa ng INC ay noong 2014 na kung saan ay kinilala ito ng Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking charity walk sa ibat ibang lugar sa loob ng 24-oras at may nakiisang umabot sa 519, 221 participants sa 129 sites sa 16 na bansa.

Samantala, naglabas ang city council ng Lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Second District Councilor Roland Valeriano ng isang resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta sa gaganaping “World Wide Walk” ng Iglesia ni Cristo sa Linggo.

Sa naturang resolusyon na nilagdaan ng 18 miyembro ng city council isa umanong karangalan sa siyudad ng Maynila na mapiling lugar sa makasaysayang napakalaking Charity Mission ng Iglesia ni Cristo.

Sinabi ni Manila Councilor Roland Valeriano na ang ganitong Humanitarian Mission ay mahalaga ang pakiki­pagkaisa ng lahat ng mga mamamayan ng Maynila.

Magsasara sa Linggo ang magkabilang panig ng Roxas Blvd., mula sa Anda Circle hanggang Pablo Ocampo Ave., ma­ging ang Bonifacio Ave., inaasahang hindi na rin madaanan ng mga motorista dahil sa dami ng inaasahang dadalo sa naturang aktibidad, maging lahat ng mga kalsadang sakop ng tourist belt kabilang ang Taft Ave. ay magsisikip sa naturang araw. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDOLE pinare-regular ang 7,000 empleyado ng PLDT
Next articlePasaway na pulis itumba — Duterte
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here