Yam ayaw niyang mapag-usapan ang ‘Rigodon’ movie

0
319

NAG-CELEBRATE ng kanyang 33rd birthday ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion.

Nag-live streaming ang actress sa kanyang Facebook at Instagram account.

Naiiyak ang actress habang nagla-live session.

Paliwanag niya may pinadala raw letter ang kanyang boyfriend at na-touched siya. Long distance relationship kasi ang relasyon ng dalawa dahil sa ibang bansa nagwo-work ang longtime boyfriend ng Kapamilya actress.

Habang nagla-live chat si Yam may isang netizen na nag-mention ng kanyang launching movie ‘Rigodon’ eight years ago.

Nairita si Yam at binweltahan ang netizen.

“Ang babastos niyo, ha?”

“You’ve made your point, okey na, palakpakan, wohooo! What do you want me to feel kapag nagko-comment kayo ng mga ganyan? Anong gusto niyong mangyari, kasi hindi ko ma-gets kung bakit kailangan pang i-mention?”

2012 nang ipalabas ang ‘Rigodon’ na isang erotic and adult thriller movie ni direk Erik Matti.

Dahil sa word of mouth ay kumita ang pelikula kaya hindi rin naman maitatanggi ni Yam na sa ‘Rigodon’ siya nakilala.

In fairness, mahusay umarte si Yam. Hindi nga ba’t sa ‘Halik’ kung saan siya ay si Jade at maraming nagalit sa kanya pero hinangaan siya dahil nakipagsabayan siya sa pag-arte kina Jericho Rosales at Yen Santos.

Kasama rin siya sa ‘Love Thy Woman’ bilang stepsister ni Kim Chiu na pansamantalang nahinto ang airing dahil sa biglang pagpapasara ng NTC sa Kapamilya Network. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here