Home Showbiz Yam Concepcion peg si Heart sa pagiging ‘classy woman’

Yam Concepcion peg si Heart sa pagiging ‘classy woman’

27
0
SHARE

WALANG katotohanan na nape-pressure si Yam Concepcion dahil siya ang ipinalit na dapat sana ay kay Erich Gonzales sa teleseryeng Loved Thy Woman.

Ani Yam, hindi naman raw siya nag-isip ng kung anupaman. Mas iniisip daw niya ang positibo. Opportunity na raw ang dumating sa kanya. Mag-iinarte pa raw ba siya.

Panibagong hamon nga raw ang role niya sa bagong teleserye after ng trending nilang Halik kung saan gumanap siyang Jade.

Makakasama niya sina Kim Chiu at Xian Lim sa nasabing teleserye.

Sambit ng Kapamilya actress, “Another challenge for me ito. Parang ito’y malaking blessing for me. Na I learn more also about the craft, I get to work with new people, with new artists. T’saka mga batikano ‘yung makakatrabaho ko ditto.”

Ang mga batikang artista na makakasama ni Yam ay sina Eula Valde bilang kanyang ina at Christopher de Leon na gaganap bilang tatay niya.

Magkaiba raw ang role niya sa Halik at sa bago niyang teleserye.

Sosyal daw ang kanyang role kaya peg niyang panoorin ang vlog ni Heart Evangelista dahil classy at A-1 list ang Kapuso actress.

Aniya: “‘Yung preparations ko pipanood ko mga vlogs ni Heart kasi siya ‘yung kind of peg ko. Kasi ‘di ba ‘yung role ko dito mayaman, sosyal, bratty. Well, si Heart hindi naman bratty. Pero tinitingnan ko ‘yung mga nuances niya. Like how she talks, ganun.”

Gagawa muli si Yam ng mga bagay-bagay na kaiinisan siya ng mga televiewers.

“Ibang-iba siya kay Jade, very different. Mayaman na ako rito,” lahad pa ni Yam. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articlePapa P. isiniwalat ang tunay na relasyon kay Shaina
Next articleHeart Evangelista buntis?
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here