44,044 Pandienyo tatanggap ng ayuda ngayong ECQ

0
318
Pinangunahan ni Pandi Mayor Enrico Roque ang pamahahagi ng ayudang food packs sa anim na barangay sa pagsisimula ng pagbibigay ng agarang tulong nitong Martes (March 30, 2021) hanggang sa Huwebes (April 1, 2021). (Mga Kuha ni Manny D. Balbin)

PANDI, Bulacan — Nakatakdang tumanggap ng ayuda o tulong ang mga Pandienyo mula sa pamahalaang lokal sa muling pagpapairal ng enhanced community quarantine o ECQ sa NCR Plus Bubble kung saan kabilang ang lalalawigan ng Bulacan mula March 29 hanggang April 4, 2021.

Aabot sa 44,040 pamilyang Pandienyo ang target na mabigyan ng ayuda mula sa 22 barangay ngayong Martes (March 30) hanggang sa Huwebes (April 1).  

Mismong si Pandi Mayor Enrico Roque katuwang si Vice Mayor Lui Sebastian at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang nanguna sa pamahahagi ng ayudang food packs sa anim na barangay sa pagsisimula ng pagbibigay ng agarang tulong.

At para mapanatili ang social distancing, hinikayat ng alkalde ang kanyang mga kabababayan na muling maglabas ng isang upuan sa harapan ng kani-kanilang mga bahay para doon ipapatong ang ide-deliver na food packs.

Matatandaan na umani ng papuri sa social media nung nakaraang taon ang diskarte ng lokal na pamahalaan ng Pandi sa pamamahagi ng relief goods sa mga apektado ng enhanced community quarantine dahil sa paglalabas ng silya o upuan tuwing namimigay ng ayuda.

Ayon sa alkalde, ito raw ang naisip nilang paraan upang hindi muling maisaalang-alang ang kalusugan ng mga Pandienyo.

Dagdag pa ni Mayor Roque, “iba ang panahon ngayon matindi ang Covid-19 variants kaya ibayong pag-iingat ang kailangang ipatupadat dapat mabilis ang pamimigay ng ayuda dahil isang linggo lamang itinakda ang ECQ at kailangan naming maging maagap para maibigay namin ang ayuda para sa kanila within ECQ period.”

Ayon sa alkalde sa mga nagtatanong kung saan nanggaling ang pondo para makapagbigay ng ayuda ang bayan ng Pandi at bakit ang bilis ng naging aksyon na magbigay ng ayuda considering na Sabado ng hapon lang nagdeclare na ECQ ang Bulacan?

Ang sagot ni Mayor Roque na una may sapat na savings ang bayan ng Pandi para mabigyan namin ang 44,044 families dito sa aming bayan, don namin kinuha ang pondong ipinambili.

“And besides ang 44,044 foodpacks/ayuda na ipinamigay namin ay tugon ng pamahalaang bayan ng Pandi kasama ang Sangguniang Bayan at ang mga kapitan ng bawat barangay sa panawagan ng national government na tugunan ang pangangailangan ng mamamayang nasasakupan,” saad ng alkalde sa isinagawang panayam ng RONDA BALITA Online.

Dagdag pa nito, sa daming tulong na ibinibigay ng national government sa bawat pamilyang Pilipino mula sa SAP, LAG- livelihood assistance grant, assistance buhat sa DOLE, DA at iba pang ahensya ng national na pamahalaan, ang pamimigay namin ng ayuda ngayon ay simpleng pasasalamat na din at pagpapakita kay Presidente Rodrigo R. Duterte na katulong at kaagapay niya kami dito sa Pandi sa laban against Covid-19.

“Sakali naman aniyang ma-extend pa ang ECQ ay nakahanda naman ang pondo ng pamahalaang bayan ang panibagong ayuda,” ani pa ng alkalde.

Ang food packs ay naglalaman ng tatlong kilong bigas, tig-dalawang lata ng beef loaf, meat loaf, at corned beef, apat na cup noodles at ¼ kilo ng munggo. (RODNA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here