70 e-trikes ipinamahagi sa mga barangay ng Malolos

0
233

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pitumpung unit ng electronic trikes na iginawad ng Department of Energy kamakailan ang nakatakdang ipamahagi sa 51 barangay ng naturang lungsod.

Bago naman opisyal na ilipat ni Punong Lungsod Bebong Gatchalian at General Services Officer Engr. Rey Garcia ang pangangalaga ng mga sasakyan sa 51 barangay ay sumailalim muna sa evaluation ang mga drivers mula sa mga BEMAC trained personnels sa lungsod.

Nagkaroon din ng oryentasyon bago ang pamamahagi ng mga e-trikes sa unang batch ng mga pagkakaloobang barangay na pinangasiwaan ni City Planning and Development Officer Engr. Eugene Cruz katuwang si Planning Officer I Engr. Christopher Dayao.

Sa nasabing oryentasyon ay tinuruan ang mga designated official drivers ng tamang paggamit at pangangalaga ng mga e-tricycles. Pinaalalahanan din sila na ang paggamit ng e-trike ay napapasailalim pa din sa mga ipinapatupad na batas trapiko para sa mga regular na tricycles.

Nasa 51 e-trikes ang inilaan sa 51 barangay ng lungsod habang ang natitirang 19 ay ginamit ng pamahalaang lungsod. (RONDA BALITA Online)  

Previous articleP4.5 milyon ayuda ng DOT sa Bulacan, ipinamahagi
Next article352 board feet of illegally sawn lumber seized in Aurora
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here