75% ng COVID-19 case sa Ilocos Sur dahil sa local transmission; mga health facilities overflowing na

0
110

ILOCOS SUR — Halos wala nang pagdalhan sa mga pasyente ng COVID-19 sa lalawigang ito dahil sa patuloy na pagdami ng kaso sa naturang lokalidad.

Sa isang interbyu, sinabi ni Dr. Ruth Judith Gay Cristobal ng Ilocos Sur Medical Society, overflowing na ang mga Provincial Health Units, District Hospitals at healthcare facilities ng lalawigan dahil sa dami ng mga COVID case na nairerekord ngayon.

Nasa 75%  umano sa mga naitalang bilang ng mga pasyenteng nagka-COVID ang dahil sa local transmission at base sa monitoring, mga  asymptomatic ang karamihan sa kanila.

Dahil dito, nananawagan sa publiko si Cristobal na makipagtulungan para makontrol at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa probinsya sa pamamagitan  ng palagiang pagsusuot ng face mask, face shield, paghuhugas at pagsasabon ng kamay, pagpapatupad ng social distancing at paglabas ng bahay kung may lalakaring importante lang.

Aniya, sa pamamagitan nito ay maiiwasan na sila ay mahawahan at ito ay para na rin sa kanilang sariling kaligtasan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here