8,920 bagong COVID-19 cases, salubong sa Huwebes Santo

0
98

KARAGDAGAN pang 8,920 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 ngayong Abril 1, 2021 o Huwebes Santo, ayon sa datos ng Department of Health.

Sa kabuuan, umabot na sa 756,199 ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit na SARS-CoV 2 sa bansa.

Umabot na rin sa kabuuang 603,948 ang bilang ng mga gumagaling sa sakit matapos madagdagan pa ngayong araw ng bagong 205 na recoveries.

Sa kabila nito, nasa anim lamang ang naitalang nasawi sa sakit kung saan umabot na sa 13,303 ang lahat ng pumanaw sa COVID-19.

Nanatili namang mataas ang bilang ng aktibong kaso na nasa 138,948 ngayong araw.

Mayroon namang 9 duplicates na inalis sa total case counts kung saan 3 ang recoveries.

Mayroon ding 7 laboratories na bigo pa ring makapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System o CDRS nitong March 31, isang araw bago ilabas ang bagong case update.

Ayon sa DOH, ipagpatuloy ang karampatang pag-iingat at itatak sapuso’t isipan ang mensahe ng pagmamalasakit na dala ng Semana Santa.

Source: REMATE Online

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here