Ayuda sa mamamayan, bakit laging kulang?

0
188
An opinion column by Louie C. Angeles

BAKIT nga ba sa tuwing mayroong ayudan tulong pinansiyal mula sa nasyonal na pamahalaan ay bakit laging nagkakaroon ng kaguluhan sa distribution nito?

Samu’t-saring problema ang nakaakibat dito dahil sa hindi maayos na pamamahagi ng ilang lokal na pamahalaan na siyang dahilan upang umalma at magtanong ang mamamayan.

Hindi naman masamang mag-usisa o magreklamo ang bawat mamamayan kung bakit ganung halaga lamang ang kanilang natanggap na halos taliwas sa nakasaad na guidelines na binaba ng national government.

Base sa kanilang naging pahayag, tatanggap ng P1,0000 kada isang miyembro ng pamilya. Kaya naman kung may anim na miyembro sa isang pamilya ay apat lamang ang pwedeng makatanggap ng ayuda at mkalakip na halagang P4,000.

Base sa ibinabang guideline ng Department of Budget and Management sa mga lalawigang nakapaloob sa Enhance Community Quarantine o ECQ , tatanggap ng P1,0000 kada isang miyembro ng pamilya. Kaya naman kung may anim na miyembro sa isang pamilya ay apat lamang ang pwedeng makatanggap ng ayuda at may katapat na halagang P4,000.

Kaya anumang biyaya na dapat matanggap ng bawat mahihirap na mamamayan ay dapat ibigay ng lokal na pamahalaan para naman maibsan ang hirap na dinaranas sa panahon ng ECQ.

Bagamat maliit na halaga ang 1k para maibsan ang matinding hirap ng buhay at pangamba dulot ng COVID-19ay hindi naman talaga sasapat ang maliit na halagang tulong na pinagkaloob ng pamahalaang nasyonal.

Kay hirap naman talagang isipin bakit ang abang mamamayan ay laging kaawa-awa ang kanilang kalagayan. Sa lahat ng anggulo sa pagdating anumang biyaya na para talaga sa kanila ay bakit parang kailangan pang pahirapan bago makuha angtamang kaloob ng gobyerno.

May ilang politiko na kailangan pang maupo sa tabi ng nagbibigay ng ayuda at sabihan pa ang kada tumatanggap  kung sino na ang iboboto sa darating na eleksyon? Gayung hindi naman galing sa kanilang bulsa ang perang pinamimigay na ayuda.

Kakaiba talaga ang ganitong asal ng isang namumuno dahil bagkus na magpakita ng malasakit sa mamamayan ay maagang pamumulitika ang inaatupag.

Marami rin namang politiko na laging iniisip ang kapakanan ng kanilang mga kababayan at kung paano nila mabibigyan ng tulong na pang habang buhay na pagkakakitaan ng bawat pamilya, na makatutulong sa pagpa-paaral sa kanilang mga anak. Iyan ang mga lingkod bayan na ang tanging hangad ay magserbisyo sa kanilang mamamayan at sa bayan.

Kaya naman sa darating na halalan ay dapat isipin ng taumbayan kung sino ang nararapat na mailuklok sa mga puwesto. Panatilihin kung sino ang nararapat at alisin at ibasura ang hindi na dapat maupo. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here