COVID-19 sa ’Pinas, pumalo na sa higit 1 milyon

0
84

PUMALO na sa higit isang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdag sa talaan ng Department of Health nitong Lunes ng hapon (April 26) ang 8,929 bagong kaso.

Sa Case Bulletin No. 408, umakyat na sa 1,006,428 ang COVID-19 cases sa bansa magmula noong Marso 2020 nang unang makapagtala ng positibong kaso.

Dalawang laboratoryo ang hindi nag-operate habang siyam pang laboratoryo ang hindi nakagawang magsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System nitong Abril 24.

Nasa 11,333 pasyente naman ang naitalang gumaling kahapon para tumaas ang kabuuang bilang ng recoveries sa 914,952 na katumbas ng 90.9% ng total case count.

May 70 pasyente ang nasawi para umakyat ang death toll sa 16,853 na 1.67% lamang ng total case count sa bansa.

Sa Metro Manila, 71% ng ICU beds ang okupado, 57% ng isolation beds, 64% ng ward beds at 58% ng ventilators ang kasalukuyang ginagamit ng mga pasyente.

Source: Pilipino Star NGAYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here