Hanggang kailan natin lalabanan ang COVID-19?

0
99
TAKLESA, an opinion column by Roseth Reyes

HIRAP na ang nakararaming Pilipino sa buhay at mas pinahihirapan pa ng pesteng COVID-19  na ito.

Isang taon na tayong naghihirap na labanan at sugpuin ang sakit na ito na gumimbal sa buong mundo ngunit sa kasalukuyan ay mas nadadagdagan pa ang bilang ng mga nagkasakasakit nito.

Nagtala nitong Biyernes Santo ng 15,310 na bagong kaso ang COVID-19 at pinakamaraming bilang sa loob lang ng isang araw.

Nakakalarma na ang sitwasyon. Kung palaging ganitoang bilang ng magiging kaso ng COVID-19 kada araw, hindi malayong bumagsak ang healtj system ng ating bansa kung patuloy na ipagwawalang bahala ng mgaraming Pilipino ang health at quarantine protocols na ipinatutupad ng ating gobyerno.

Matinding kontaminasyon at hawaan ang pangunahing dahilan kung bakit lumolobo ang blang ng mga taong infected ng nasabing nakamamatay na virus araw-araw at sa ganitong senaryo, ang buhay at kalusugan ng mahihirap na Pilipino ang nalalagay sa peligro

Hindi na yata matatapos ang patuloy na paglala na nasabing virus at hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng pagdagsa ng bakuna sa ating bansa ay siya namang paglobo ng bilang ng mga apektado sa sakit.

At dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso kaya patuloy rin ang pag-extend ng general community quarantine sa NCR Plus Bubble.

Sa kabila ng ginagawang effort ng gobyerno sa pamamagitan ng AITF ay tila hindi tama o wala sa sa tamang sistema ang ginagawa o inilalatag na protocol ng mga dating general na kasalukuyang may hawak ng task force para puksain ang COVID-19.

Hanggang kailan ba tayo sasailalim sa ECQ? Kailan tayo makakakita ng liwanag, pag-asa na matatalo natin ng letseng virus na ito? Hanggang kailan ba tayo lalaban?

Pagod na pagod na ang taumbayan sa laban natin sa COVID-19. Isang taon na halos, walang nangyari at lalo pang naging “worse”. Lalo pang dumami ang mga nagkakasakit at namamatay sa virus.

Bilyon na ang nautang ng ating bansa para lamang may pondo na gagamitin sa laban kontra COVID-19 pero walang nangyari.

Lugmok na ang ating ekonomiya, ang ating turismo, ang halos lahat sa atin ay bagsak na at puedeng maglaho ng tuluyan kung di pa natin maipapanalo ang laban na ito.

Marami na ang nawalan ng trabaho, ang nagugutom at nagsasarang mga kompanya, may kakayahan pa ba ang ating bansa na makabangon pang muli? May pag-asa pa kaya ang ating mga kababayan na makabangon pa sa hirap na dulot ng COVID-19?

Hanggang kailan tayo lalaban? Kaya pa ba nating lumaban?

*****

Bayan ng Angat, magpapatupad ng total lockdown

Simula Abril 6, 2021, ang implementasyon ng Total Lockdown ay ipapatupad sa Pamahalaang Bayan ng Angat. Hinihingi ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat upang mai­sagawa ang panuntunan kaugnay ng pagpapatupad ng nasabing lockdown. Ang kautusan ay bunsod ng pagdami ng bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19.

Layunin ng pagpapatupad nito na masugpo at maiwasan ang malawakang pagkalat at transmisyon ng virus.

Patuloy ang operasyon ng mga pangunahing establisyemento na kailangan ng lahat katulad ng supermarket, groceries store, convenient stores, pamilihang bayan, drug stores, fast food (for take-out & delivery services only), bangko, money transfer services, hardware at kahalintulad na pagseserbisyo.
Ang mga Frontliners na nagbibigay ng serbisyong medikal, emergency responders ay patuloy pa rin na magbibigay ng kanilang serbisyo.

Bilang pag-iingat at seguridad, isa lamang sa bawat pamilya ang maaaring lumabas ng kanilang tahanan upang bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Inaatasan ang lahat ng Punong Barangay na sundin at mahigpit na ipatupad ang lahat ng alituntunin na nakapaloob sa kautusang sumasakop sa ECQ sa kanilang nasasakupan sa lahat ng oras at pagkakataon.

Epektibo ang nasabing lockdown hanggang Abril 12, 2021.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here