Ilang kababayan kapag hindi natuto, COVID patuloy

0
175
Opinion Column ni Vic  Billones lll

TILA walang epekto ang mga tawas at ibang pamamaraan ng mga Albularyo at Doctor ng Medisina na magupo at tuluyang mawala ang angking lakas ng COVID-19, na patuloy ang pananalasa at pagkitil sa buhay ng tao.

Nakadidismayang balita, na nitong ika-15 ng Pebrero, 2021, ay naglabas ng ulat ang World Health Organization (WHO) tungkol sa sitwasyon sa mga bansang nasa Western Pacific Region, na sinalanta ng virus na ito. Ang Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19, umaabot ito sa 5,894, total cases nito ay 549,176 at ang total deaths ay 11,515.

Una ang Malaysia na may new cases na 9,281, total cases ay 264,269  at total deaths ay 965 at pangatlo ang bansang Hapon na may naitalang new cases na 4,031, total cases ay 415,782 at ang total deaths ay nasa 6,952. Ang ibang bansa ay maliliit na lamang ang bilang kumpara sa tatlong bansang nabanggit.

Tsk! Tsk! Tsk! Lumalabas na imbes na bumaba ang bilang ng mga biktima ng ‘virus’ na ito, ay tila dumarami pa. Higit sa bilang ng mga yumao na, mas madami ang bilang sa Pilipinas!

Nakalulungkot isipin na parang lalagpasan pa nito ang kasalukuyang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa natin, dahil tila hindi na alintana ng ilan nating mga kababayan ang kamandag ng nasabing virus. Patuloy pa rin ang pagsuway sa Social distancing, hindi wastong pagsuot ng face shield at ang pagsuot ng hindi na napapalitang face mask.

Meron ako nakitang lalaki na may suot na face mask na sa baba nakalagay, hindi sa ilong at bibig, at tila nangingitata na sa dumi. Kapag hindi tayo natuto at mananatiling pasaway, ay umasa tayong ang virus na ito ay mananatili at tatagal pa sa bansa natin.

*****

O, heto sa Lungsod ng San Jose Del Monte, nagkaroon ng pulong ang Task Force- ERID, na pinangunahan ni Mayor Arturo Robes, kamakailan.

Ayon sa ulat ng butihing Alkalde, sa kasalukuyan, ang mga active cases ng COVID-19 sa San Jose del Monte ay patuloy na binigyang pansin ng ating Pamahalaang Lungsod.

Ika pa niya, siya ay nananawagan sa bawat San Josenios, ‘to wear full coverage face shields, together with face mask’ kung tayo po ay lalabas sa ating mga tahanan.

Ibinalita pa rin niya na patuloy ang kanilang paglaban sa pandemya. Maliban sa COVID-19, ay nakapagbigay din sila ng 43, 681Oral Polio Vaccine at 37, 290 Measles-Rubella Vaccine sa mga mamamayang San Josenios.

Tsk! Tsk! Tsk! Magandang mabalitaan na binibigyan ng pansin ang kaso ng COVID-19, mahirap ng lumaganap itong muli.

Nitong nakaraang Flag raising Ceremony, na ginanap sa Convention Center, Sapangpalay proper, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) ay binigyang daan ang pagkilala kina Dra. Betzaida Banaag ng City Health Office at kay Ms. Marina Serrano ng Accounting Office, para sa kanilang nalalapit na pagreretiro.

Ayon pa sa ulat ay nagpapasalamat ang buong Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte para sa dedikasyon at sa hindi matatawarang kontribusyon sa Lungsod sa matagal na panahon. Batay pa sa tala,’ kinilala rin ang 32 Day Care Workers and Centers ng Regional Office, na tumagal din sa serbisyo.

Binanggit din ni Mayor Robes na sinisimulan na ang pangangampanya sa ‘Highly Urbanized City (HUC,’) ang LSJDM, at hinihikayat na tumulong ang sambayan na maging HUC, at ito anya, ay para na rin sa mga San Josenios at sa susunod na henerasyon.

Maganda ang kinahaharap ng LSJDM, kapag ito ay naging ganap na HUC, ilan dito ay ang posibilidad na makapagbibigay ng maraming mapapasukang trabaho, pagkakakitaan at benepisyo, makapgbigay ng mas kaiga-igayang serbisyo sa komunidad, paglinang sa pakikipagtulungan at pagbabago, makapagbigay ng mga kaibig-ibig at kahalagahan sa kultura at ang pagbawas sa oras ng paglalakbay.

Maraming maidudulot na kaigihan kung ganap na ngang maging HUC ang LSJDM. Iyan para sa mga mamamayang San Josenios! Bigyan din natin ng pagpapahalaga, ang ginawang HUC Orientation, ng Task Force HUC, sa City College of San Jose Del Monte, LSJDM, kamakailan. Mabuhay po kayo, hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

Previous articleSM Bulacan malls introduce e-waste collection program
Next articleHirit ng mga basketball player
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here