Korina nawindang sa dominanteng aplikante

0
66

NALOKAH si Korina Sanchez nang mag-interbyu siya ng isang job applicant.

Napakademanding daw ng aplikante.

Nangangailangan kasi ng production assistant ang kanyang show.

Ipinost ni Koring ang naging usapan nila ng aplikante.

“Applicant: Ano po bang position ang offer niyo?

“Korina: Need kasi namin ng production assistant yung Pwede mautusan ng direktor at executive producer. Alam mo na Kung anoano minsan.

“Applicant: Ano nga po yung anu-ano?

“K: Need kasi namin yung madali kausap at di mashado mapili at makuwenta. Shempre bawal naman ang abuso kaya all within reason ang utos.”

“Applicant: Baka pag isipan ko pa. Magkano?

“K: Sa ngayon lahat kami half pay kasi ganon ang buong industriya tinamaan ng lockdown ang negosyo ng lahat.

“Applicant: Baligtad po! Dapat nga doblehin niyo sweldo namin kase mas gipit kami ngayon. Ano Ano nga ba gagawin ko?”

Nawindang ang TV host sa mga sagot ng aplikante kaya sa huli niyang post, “Sige uwi ka na. Wag ka na babalik ha. Next please? Parang bumaligtad utak ng ibang tao sa Covid. just sayin’.”

Hahahaha…. Nakakapraning po talaga ang COVID-19. Lalo na doon sa mga nawalan ng trabaho. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here