Kuya Wil nagbawas ng mga staff sa ‘Wowowin’

0
115

MAY malaking pagbabago sa programa ng Wowowin, ang programa ni Willie Revillame na napanood sa GMA-7.

Ayon sa TV host kinakailangan daw niyang magbawas ng mga staff.

Gagawin daw ito ni Kuya Wil dahil sa muling pagkakaroon ng enhance community quarantine.

Naapektuhan daw ang paglalive show ng Wowowin dahil sa ECQ, dumarami na naman kasi ang bilang ng mga nagpopositibo sa Covid halos araw-araw. Kaya kinakailangan daw na ilimit nilang muli ang mga tao sa studio.

“Nagbawas po kami ng mga staff, sumusunod kami sa requirement na 30 per cent lang. So, yung mgs ganitong bagay idi-discuss ko muna lahat. Wala muna kaming mga dancer, or course naiintindihan naman niya yon,” sey ni Kuya Wil. Priority kasi niya ang safety ng lahat. “Maingat ko kami. Iilan na lang ho kami dito. Kokonti na lang ho kami,” sambit pa ng Wowowin host.
Minungkahi rin daw niya sa GMA-7 na maglock-in show na lang din sila sa ibang lugar, tulad sa kanyang lugar sa Puerto Galera na dati na rin naman niyang ginawa.

“Baka ho, at nakikiusap ako na mag-lockdown kami mismo, eh, baka ho by next week doon muna kami sa ibang lugar. Kami po ay magbabubble. Sa Puerto Galera po ako magso-show at maganda naman, kukumustahin natin an gating mga kapatid nating katutubo ron. Baka ho next week ganun ang mangyari, pag na-approve kami,” sambit pa ni Kuya Wil.

Sa ngayon ay wala pa raw final desisyon ang Kapuso sa gustong mangyari ng TV host. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here