Laban sa hiwaga ng kadiliman

0
96
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAKALULUNGKOT na kailangang sapitin natin, ang kalagayan na ni minsan ay hindi natin inaasahang magaganap sa ating buhay. Ito ay ang maging bilanggo ka sa iyong sariling tahanan, lalo kung ikaw ay isang ‘Senior Citizen, maraming bawal, dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ)  na ipinatutupad.

Higit sa lahat, kung paano at anong paraan ang gagawing pakikibaka, sa kalabang hindi nakikita na siyang patuloy na pumupuksa ng buhay ng tao.

Marami ng makabuluhang tagubilin, payo o mensahe ang naipahayag ng sinuman, kung paano makakaiwas sa salot na COVID-19, kaya nasa tao na, kung paano niya didisiplinahin ang kanyang sarili, at pagsupil na rin sa mga gawing kanyang ikapapahamak.

Tsk! Tsk! Tsk! Napakahiwaga! Mikrobyong siyang patuloy na kumikitil sa buhay.Tulad nitong Coronavirus, isang salot na hindi talos o abot na isipan ng tao na may ganitong pangyayaring lilipol sa libu-libong buhay ng Sangkatauhan.

Kung may hiwaga ng kapahamakan o kadiliman, ay hindi maisasantabi na may hiwaga rin na siyang mag-bibigay buhay sa ating lahat, at iyan ay ang taus-pusong pananalig sa Poong Maykapal.

*****

Good governance in action

Nakabibilib din itong pagiging maka-bayan, ipinadadamang gilas, ipinakikitang malasakit at pagmamahal ni Mayor Enrico ‘Rico’ Roque, ng bayan ng Pandi, Bulacan, sa kanyang mga nasasakupan.

Sa aking pagkakaalam siya ang kauna-unahang nagbigay ng agarang ayuda sa mga Pandienos.

Matapos na ideklara ng Pamahalaang Nasyunal ang ECQ, kung saan napabilang ang Lalawigan ng Bulacan, ay hindi nagpabaya ang may-malasakit na Punong Bayan ng Pandi, na magawaran ng ‘vaccine’ ang mga ‘frontliners’ at iba pa. Kasunod nito ay ang pamamahagi ng mga ‘foodpacks’ sa mga tahanan ay sinimulan na noong nakaraang ika-30 ng Marso, 2021.

Ika nga ni Remia, isang FB pren, “Good governance in action! Consistent naman si Mayor Roque para sa kapakanan ng mga taga- Pandi. Ayon naman kay Ranilo na kanyang nai-post sa Katropa News Online: “Galing naman my schedule agad ng pamimigay.”

Tsk! Tsk! Tsk! Iyan si Mayor Rico Roque, dapat lamang na papurihan. Hindi pabaya at tunay na maaasahang lingkod bayan. Kung hindi lang masakit ang aking mga kasu-kasuan, hehehe, marami pa akong maisusulat na kabutihang nagawa ng magiting na Punong bayan ng Pandi. Mabuhay ka Mayor Roque!

*****

Galaw ng pagtulong

Dito naman sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM) ay may mensahe o paala-ala ang Punong Lungsod Arturo Robes sa lahat ng pamilyang San Josenios, ito ay ukol sa ECQ, na kailangan sundin ang Minimum Health Standards. Maging kaisa sa paglaban sa ipedemya at maging kaisa sa paglalaganap ng disiplina.

Patuloy ang galaw ng pagtulong ng Administrasyong Robes, katuwang si Congw Rida Robes at ang Sangguniang Panglungsod, sa kalagayan ng mamamayang San Josenios. Lagiang may Emergency Meeting of Task Force Erid, hinggil sa ‘implementation of ECQ sa LSJDM via Zoom.’ Upang masiguro ang kaligtasan ng mga pamilyang San Josenios.

May pagpupulong na naganap sa pamamagitan ni Robes at ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways, City Engineering, City Planning and Development Office, City Traffic Management, kamakailan. Kabilang si Kapitan Alberto Herrera ng Barangay Sapang Palay Proper at kinatawan mula sa Puyat Property, upang talakayin ang posibilidad na pansamantalang pagsasara ng Kaytutong Bridge, upang maging mas mabilis na pagsasaayos nito. Tinalakay din ang posibilidad na paglalagay ng mga kahaliling ruta, upang hindi maka-apekto sa daloy ng trapiko kung sakaling ito ay maipatupad.

Tsk! Tsk! Tsk! Sa ating mga mambabasa, kung sa inyong bayan ay mga kaganapan at nais ninyong mailathala sa kolum na ito ay mangyaring ipadala sa ating email address: billones@ralo.org. Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous articlePagbabakuna sa mga frontliner ng Pandi, tagumpay!
Next articleMarami pa ring paglabag sa ECQ implementation
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here