LTO, may bagong pakulo sa mga driver ng ’Pinas

0
195
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

IBA rin nga naman ang bagong sistema ng Land Transportation Office (LTO), hindi pa nga nila naaayos ang problema sa plaka at na MVIS na perwisyo ang dulot sa ilang car owners, umaarya na naman sila.

Sinasabi mga Kabayan ni Atty. Loida Igdanes na syang spokeswoman ng LTO na kailangan ng mandatory seminar ng mga drivers na magre-renew ng kanilang mga lisensya sa pagmamaneho.

Kailangang sumailalim sa apat na oras na oryentasyon ang mga non professional  driver’s license o yung mga non-pro.

At ang mga professional driver’s license ay walong oras na isasailalim sa oryentasyon base sa bagong patakaran nila.

Haisssssst, sa totoo lang mga ’igan, ang daming suliranin ng LTO na dapat nilang unahin at solusyunan.

Pero mukhang manhid na yata ang ilang opisyal ng ahensyang ito sa mga reklamo ng mga motorista.

Tulad na lamang ng plaka na ipinangako nila na mabilis ns ibibigay sa mga car owners pero umabot na sa halos ilang taon, waley pa rin.

Saan na nga ba napunta ang milyong pisong pondo na inilaan ng LTO sa mga bagong plaka ng mga sasakyan?

Bukod dyan, ang maraming hinahanap na dokumento ng LTO sa mga kumukuha ng student driver’s license dagdag pa dyan ang gastos na libong piso.

Tsk… tsk… tsk… sa panahong ito ng pandemya, makatarungan ba ang mga ipinatutupad na sistema ng LTO o sadyang pahirap sa bayan ang hangad ng damuhong mga opisyal ng ahensyang ito?

Karamihan  kasi ng mga kumuka ng student license ay bukang bibig ang  sobrang laki o taas ng bayad.

Totoo kaya ang sinasabi ng maraming Filipino na ginagawang gatasan ng ilang kawani ng pamahalaan ang Land Transportation Office?

Sana naman eh, mema lang ang mga alingasngas na marami na umano ang yumaman sa ahensyang yan.

*****
Covid-19 virus patuloy ang pagtaas sa bansa

Nakakalungkot mga kabayan, dahil sa kabila ng kaliwat-kanan na paalala ng gobyerno sa mga Filipino na mag-ingat sa nakamamatay na virus, pero heto binabalewala lamang ng nakararami.

Marahil ay sabik silang lumabas ng kanilang mga tahanan dahil sa halos isang taon nga naman silang nakakulong dulot ng pandemya.

Ganun pa man, hindi nagkulang ang mga local government units sa pagsasabi na manatili na lamang muna sa kanilang mga bahay at lalabas man ay magsuot ng face mask at face shield.

Kung hindi mapipigil ang mga tao na lumabas, panigurado mas marami pa sa dati ang maging bilang ng mga tinamaan ng Covid-19 virus.

Mantakin nyo sa isang araw mahina ang 5,000 kaso ng covid-19 virus ang naitatala, partida na yan dahil inisyal pa lamang yan. Ang ibang mga pagamutan ay hindi nakapagsusumite ng kanilang mga datos.

Mas marami ngayong taong 2021 kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ang nagkavirus, haissssst… saan tayo patungo bansang Maharlika.

Malaki ang posibilidad na mas bumagsak pa ang ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ito.

Ano nga ba ang dapat gawin ng ating pamahalaan? Lugmok na tayo sa kahirapan, halos naubos na rin ang mga pondo, lahat nang dapat ire-aligned na budget ay nagawa na ng mga local government unit.

Habang ang national government ay naglaan na rin ng pondo, mula sa SAP, na umanoy dinugas ng ilang kawani ng pamahalaan, dagdag pa diyan ang BAYANIHAN 1 AND 2, saan nga ba napunta ang bilyong piso na inilaan para dito sa pesteng Covid na ito.

Dahil batbat na rin sa utang ang gobyerno na inilaaan sa pagbili ng bakuna, pero bakit nga kaya? Kung kailan dumating ang mga bakuna, lalo pang lumobo ang Covid-19 virus.

Para sa inyong mga reklamonat reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here