Megastar ’di peke ang boobs,‘3 na ang binuhay nyan’

0
80

ISANG netizen ang nagtanong  sa Megastar, Sharon Cuneta kung bakit daw lumaki ang kanyang boobs.

Tahasang sinagot ni Shawie, na tunay ang kanyang boobs at hindi fake.

“Tunay yan,” ani ng megastar.

Nirepost ng fans ni Sharon ang collage picture ng aktres-singer kung saan nu’ng payat siya and them tumaba at pumayat na muli ngayong 2021.

Sabi ng fans na nagrepost, “Mula noon hanggang ngayon walang kupas parin ang ganda ng nag iisang MEGA STAR [three smiling face with heart eyes emojis]

“We Love You Ma, Sharon [face throwing a kiss emoji] @reallysharoncuneta”

Isa namang netizen ang nagkomento sa reposted pix, “Bakit lumaki boobs? [face with tears of joy emoji]”

Agad na sumagot ang batikang singer-aktres na totoo at hindi retoke ang kanyang dibdib.

“Tunay yan. 3 na anak na binuhay nyan lalo si Miel. Tapos tumaba ng wagas at pumayat!” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here