‘Nasa hangin ang COVID’ — health expert

0
236

ISANG health expert ang nanawagan sa Department of Health (DOH) na magpatupad ng bagong COVID-19 protocols dahil sa mga bagong ebidensya na “airborne” ang coronavirus at hindi lang basta respiratory droplets.

“Kailangan i-emphasize na natin itong mga bagong findings. Kaya tayo nandito ngayon, kailangan ipaalam sa bawat isa na nasa hangin ang COVID,” ayon kay Dr. Ronnie Baticulon, isang neurosurgeon.

Sa pag-aaral ng grupo ng mga siyentipiko buhat sa US, United Kingdom at Canada, may sapat na ebidensya na kumakalat ang virus sa hangin.  Ipinapayo nila na baguhin na rin ang mga protocols sa mga indoor na lugar na mas malaki ang posibilidad ng hawahan.

“Halimbawa, may isang taong may COVID-19 kahit magsalita lang siya o umubo nang walang mask kung siya ay nasa isang kulob na kuwarto, ang virus na ‘yun ay mananatili sa kwarto at maaa­ring makahawa kahit malayo pa sa akin,” paliwanag ni Baticulon.

Inirekomenda niya na dapat natural na umiikot ang hangin sa mga sasakyan habang mas dapat gamitin muna ang mga electric fans sa mga establisimiyento kaysa mga airconditioning units na walang HEPA filters.

Nananawagan rin siya sa publiko na gumamit ng de-kalidad na medical grade face masks at huwag basta-basta mga face masks lang na hindi sapat ang proteksyon.

Source: Pilipino Star NGAYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here