‘Online sabong’ aprubado na sa Malacañang

0
64

DAHIL lubhang kailangan ng pamahalaan ng pondo ngayong pandemya, inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan na ng lisensya ang ilang online sabong sites para maging legal na ang kanilang operasyon.

Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license”.

“Pag may license kasi, namomonitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income”, ani Tria.

Limang kumpanya na ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate”.

Tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.

“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga otoridad dahil ito ay ilegal at minomonitor na ng Department of Information, Communication and Technology (DICT)”, dagdag pa ni Tria.

Ayon pa kay Tria, nakakalikom ang PAGCOR ng P100 million kada buwan sa bawat licensed online sabong company.

Source: Pilipino Star NGAYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here