Pagbabakuna sa mga frontliner ng Pandi, tagumpay!

0
85
An opinion column by Louie C. Angeles

ISA ang Bayan ng Pandi sa lalawigan ng Bulacan ang naging matagumpay ang pagbabakuna sa mga frontliner gaya ng barangay health workers, kawani ng Rural Health Units at mga kasapi ng Barangay Emergency Response Teams at mga health workers mula sa pribadong pagamutan.

Umabot sa 500 katao na pawang mga frontliners na nabakunahan ay ala naman naging reaction sa kanilang katawan at dalangin ng mga nabakunahan na sana ang  mamamayan ng Pandi huwag matakot sa pagpapa-bakuna.

Dahil ito ang tanging magiging proteksyon laban sa nakamamatay na Covid-19

Sa buong suporta ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor Rico Roque sa pagbabakuna ay proud tayo sa tibay ng paninindigan ni alkalde na handang-handa naman kung sakaling kulangin ang bakuna na mula sa nasyonal na pamahalaan.

Ani ng alkalde na kaya ng pamahalaang lokal na punan ang mga bakuna hanggang sa makumpletong mabakunanahan ang mga Pandienyo. Hindi hadlang ang mataas na populasyon sa kanilang bayan basta handa sila na makabili ng karagdagang bakuna sa oras na ito ay kapusin.

Matapang ding ipinagmalaki ni Mayor Roque ang pagiging number one nila sa polio vaccine sa buong lalawigan at Region 3.

Hangad ng alkalde na muling manguna sa pagbabakuna laban sa Covid-19 upang ipakita ng Pamahalaang Bayan ng Pandi na number one sa kanila ang kalusugan  ng bawat Pandienyo.

Sa mahigit isang taong paglaban sa pandemya ay hindi sumuko ang mga lider sa bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Roque  na itaguyod ang laban ng buhay at laban sa kahirapan.

Sa patuloy na hamon ng pandemya ay napapanahong makiisa ang lahat ng mga namumuno sa lahat ng barangay sa magandang ginagawa ng punong bayan.

Dahil kung hindi naman makikiisa ang mga namumuno sa barangay ay malaki ang mawawala sa kanyang mamamayan, lalo na itong si Mayor Rico ay alang hinangad kundi siguraduhing maganda ang kinabukasan ng bawat Pandiyenyo at maging ligtas sa sakit na dulot ng Covid-19. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here