Patuloy ang paglilingkod kahit Linggo

0
69
Opinion Column ni Vic  Billones lll

BATAY sa ulat na ating natunghayan, kahit linggo at ordinaryong araw ay patuloy ang paglilingkod sa bawat pamilyang San Josenio. Ilan nang mga barangay ang pinaabutan ng ‘cash assistance,’ at ayon sa butihing Mayor Arturo Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) na hangad nilang maipaabot ang lahat ng tulong sa bawat pamilyang San Josenio, upang makasuporta ito sa pangangailangan ng bawat isa. Ika pa niya na patuloy na idalangin ang kaligtasan at kaayusan sa LSJDM.

 “Sa patuloy na pamamahagi ng cash assistance sa bawat Pamilyang San Joseño, ang inyo pong lingkod ay taus- pusong nagpapasalamat sa lahat ng ating mga Kasamang Serbisyo Publiko-Barangay Officials at Kawani ng Pamahalaang Lungsod. Na kahit sa araw ng linggo ay patuloy pa din po nilang ibinigay ang tapat at tunay na paglilingkod para sa ating mamamayan. Patuloy pa din po nating matutunghayan ang pasasalamat ng bawat pamilyang San Joseño sa ating National Government,” wika pa ni Robes.

Tsk! Tsk! Tsk! Dapat lang na pasalamatan ang mga lingkod bayan mula sa mga kawani ng pamahalaang lokal, sa pangunguna ni Robes, hanggang sa antas ng barangay, na silang tumututok sa mga pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Habang sinusulat ko itong kolum, ay napag-alaman natin na may nagpapakalat ng fake news, na humihikayat sa mga tao na tumungo sa mga payout center sa lungsod, kahit hindi pa nila iskedyul na pumunta.

Ang layunin ng pagpapakalat ng balitang huwad ay upang manghimok ng gulo at pagkalito sa mga tao. Sinabi ng isang Opisyal ng barangay na may mga nilalang na nais sirain ang sistema ng payout para sa mga tatanggap ng Social Amelioration Program ng Pambansang Pamahalaan.

Ang balitang huwad ay nagpapahayag na puwede nang magtungo ang mga benepisyaryo sa mga payout center, para makakuha ng tulong. Kaya ang nangyari ay dumagsa ang mga tao sa naturang lugar, na kung saan makukuha ang sinasabing payout.

Napagalaman na mayroong nakatakdang panahon ang mga tatanggap ng ayuda, na nakapaskil sa iba’t ibang lugar ng bawat barangay, upang hindi magkasabay-sabay ang bugso ng tao sa mga payout center.

Idinagdag pa sa ulat na tinatawagan pa isa-isa at pinupuntahan sa bahay ng mga kawani ng barangay ang mga tatanggap ng ayuda, upang ipaalam ang kanilang iskedyul sa pagkuha ng suporta.

Tama ang kuro-kuro ng balita na ang hangarin lamang ng balitang huwad ay siraan ang lokal na pamahalaan. Umapela ang nasabing Opisyal ng Barangay sa mga mamamayan na maging matalino at huwag agad maniwala sa mga maling impormasyon. Idinagdag pa ng Opisyal sa ulat na dapat na magtungo lamang sa payout center sa araw at oras base sa kanilang iskedyul.

“Kahit na magtungo sila sa mga payout center at pumila subalit hindi pa nila iskedyul ay hindi rin sila mabibigyan,” sambit pa ng Opisyal.

Hayan, ilan kasi nating kababayan ay mga pasaway at matataba ang utak sa kalokohan.

Kitam mo itong paggawa ng balitang huwad na pinaniwalaan ng ilang taunbayan. Noong una ika sa ulat ay maayos umano ang ginagawang pamamahagi ng ayuda, ng may nagpakalat ng fake news nagulo ang sitwasyon.

Naalala ko tuloy ang pagpapakalat sa kalagayang pangkalusugan  ng Pangulong Dutete ng hindi siya nagpakita ng ilang araw sa publiko. May mga tsismis kasi na lumutang na ang Pangulo ay may karamdaman, kaya hayun pinagmumura sila ng Pangulo.

Ang mabuting gawin ng naturang Opisyal ng barangay ay i-trace kung saan nagmula ang balitang huwad, at kapag napag-alaman ay isakdal sa hukuman. Hanggang sa muli! Mabuhay ang lahat! (RONDA BALITA Online)

Previous articleDe Leon lauds LGUs, stakeholders for suport to Barangayanihan
Next articleKailangang kumayod kahit may coronavirus
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here