Pulis dinukot ng 4 na armadong lalaki sa Norzagaray

0
575

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Isang pulis na nakatalaga sa Pandi Municipal Police Station ang sinasabing dinukot ng apat na armadong kalalakihan sa Sitio Padling, Brgy. Matictic, Norzagaray, Biyernes ng umaga (Marso 5).  

Batay sa ulat ni Norzagaray Police Chief P/Lt. Avelino G. Protacio II, kinilala ng dinukot na pulis na si P/Cpl. Nikkol John Santos.

Si Santos kasama ang dalawang kaibigan ay lulan ng dalawang motorsiklo nang biglang umanong harangin ng isang kulay gintong Satarx Van.  

Apat na armadong suspek ang bumaba mula sa sasakyan at tinutukan ng mahahabang baril ang mga biktima at inutusan silang humiga na nakaharap sa lupa at pagkatapos ay pinasosan ang mga ito.

Kinaladkad ng mga armadong suspek si Cpl. Santos sa loob ng nasabing van at tumakas habang ang dalawa niyang kasama ay naiwang nakaposas.

Kaagad namang nag-utos ng isang malalim na probe at follow-up operation si P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan Provincial Director, sa nasabing insidente habang ang lahat ng pagsisikap ay ginagawa upang ligtas na mabawi ang biktimang pulis. (RONDA BALITA Online)

Previous articlePulilan conducts Integrated Aggressive Covid-19 Action Plan
Next articleBulacan tumanggap ng 900 na bakuna ng Sinovac kontra Covid-19
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here