Rehabilitasyon ng Manila North Road, patuloy

0
79
TAKLESA, an opinion column by Roseth Reyes

PATULOY ang isinasagawang pagpapaayos at rehabilitasyon sa kahabaan ng Manila North Road mula sa bayan ng Calumpit hanggang Bocaue ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 1st Bulacan District Engineering Office, sa pamumuno ni District Engineer Henry Alcantara.

Kasama sa mga pagawain dito ay ang construction, rehabilitation, preventive maintenance, asset preservation, upgrading of damaged primary, secondary and tertiary roads, and rehabilitation of drainage canals sa mga kalsada ng Manila North Road na dating tinatawag na MacArthur Highway.

Sa kahabaan na lang ng Lungsod ng Malolos na sakop ng MNR, mapapansin na tuloy-tuloy ang pagsasaayos ng kalsada. pagsasagawa ng mga drainage canal at rehabilitasyon main road.

Tinututukan din sa kasalukuyan ng mga tauhan ni DE Alcantara ang rehabilitasyon at pagsasaayos ng kalsada at drainage canal sa harap ng National Food Authority (NFA-Bulacan) sa Brgy. Tikay sa Lungsod ng Malolos na matagal nang inirereklamo dahil sa paghaba kapag malakas ang ulan.

Kaya asahan na ng mga motorista na dumadaan sa naturang lugar ang maayos at wala ng baha kapag umuulan dahil sa prinayoridad ang naturang pagsasaayos ng naturang drainage at kalsada ni DE Alcantara.

Ayon sa naging pahayag ni District Engineer Alcantara kamakailan, tuluy-tuloy na ang pagsasaayos ng mga sirang kalsada mula sa bayan ng Calumpit hanggang Bocaue.

“Sa kasalukuyan ay tinatapos na namin ang mga sirang kalsada sa bayan ng Calumpit, Guiguinto, at Malolos makaraaang maantala ang pondo ng nasabing proyekto dahil sa pandemyang COVID-19,” ani DE Alcantara.

“May mga pagawain po ang ating kagawaran na naghihintay pa sa approval ng kaukulang pondo at dahil sa pandemya kaya naantala ang mga ito. Pero ginagawan namin ito ng parllative measures at hindi namin ito tinutulugan,” saad ni Alcantara.

Kaya mga ka-Taklesa, kunting pang-unawa lang ang kailangan ng kagawaran. at humihingi ng paumanhin si DE Alcantara saabalang dulot ng pagsasayos ng mga kalsada.

Stay safe at mag-ingat lagi!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here