Sey ng mga netizens: JENNICA MAKA-DIYOS, BASTOS DIN PALA

0
174

Hindi nagustuhan ng netizen ang post message ni Jennica Garcia, ang misis ni Alwyn Uytengco para sa mga anak nito.

Kalat na sa showbiz circle na hiwalay na ang mag-asawa.

Hindi pa naman nila kinukumpirma kung totoo nga ang balita.

Sa tema ng open letter ni Jenica sa kanyang social media, masasabing hiwalay na nga ang dating masayang mag-asawa.

Sey ng netizen na may handle na @james_henry3421, “personal message to daughters should be said face to face, heart to heart and not posted on social media for public consumption. I doubt if these kids bother to even read their mother’s post on IG.”

Sinagot naman ni Jennica si James at sinabing ang gulang ng dalawa niyang anak ay lima at dalawang taong gulang pa lang.

“Both do not know how to read. I posted this on my feed not just for my children to see one day but FOR MYSELF to reminded of my mindset during this season in my life.

“That I was faithful to the word of God on April 6th of 2021 AND MUST remain faithful in the years to come.

“I want to stumble on this post of mine again one day and say to myself: ‘Wow, so this GOD’s good plan for us after all.’”

Sabay ang sarkastikong tanong sa netizen, “kayo po bakit di nyo try gamitin muka nyo sa profile picture niyo? Galing nyo po magsalita kasi nagtatago kayo ano po? Alam mo kasi na may sa bastos yang tabas ng dila mo”

O, di ba ang taray din pala ng anak ng batikang actress na si Jean Garcia.

Sina Jennica at Alwyn ay matagal na ring kasal. Mga young stars pa sila ng pasukin ang pag-aasawa.

Sobrang inlove sila noong mga panahon iyon katunayan maraming humanga sa dalawa dahil kahit nasa young age pa lang ay naging matiwasay ang kanilang pagsasama.

Kaya marami ang nagulat kung ano ang naging rason at nagkahiwalay ang dating masayang mag-asawa.

Sa ngayon ay hindi pa sila umaamin sa estado ng kanilang buhay may-asawa.

Parehong dinadaan na lang muna sa social media ang lahat.

May comment naman ang nakabasa sa huling sinabi ng dating aktres.

“Bastos din pala si Jennica.”

“Same thoughts pwde naman nya sarilinin at balik balikan ang letters nya sa mga anak nya kahit nga naka sulat sa journal and mukhang sentimental naman sya so I’m sure tinatago nya yung mga ganyang bagay. Feeling ko gustong gusto nya na sabihin ung dahilan bakit sila naghiwalay, hindi para siraan si Alwyn but to get it off her chest. Hindi lang makahanap ng way kung papaano. Another interview with Cristy Fermin perhaps?”

“Hate pious people. Maka godly message pero wag ka sila ung nuknukan ng impokrita.”  

“Hahahaha tama! From godly messages to rough talk ?? ???? MakaDyos tlaga”

Sabi sa mga comments sa last post ni FP na about sa money kaya sila may problema. But I thought they are living a simple life na so money shouldn’t be a big issue to the point na maghihiwalay sila.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here