Total Lockdown sa munisipyo ng Angat, ipatutupad!

0
180

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bunsod ng pagdami ng bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19, kakatakdang magpatupad ng total lockdown ang munisipyo ng Angat simula April 6 hanggang April 12, 2021.

Ayon sa FB account ni Mayor Leonardo de Leon, hinihingi nito ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat upang maisagawa ang panuntunan kaugnay ng pagpapatupad ng nasabing lockdown.  

Layunin ng pagpapatupad nito na masugpo at maiwasan ang malawakang pagkalat at transmisyon ng virus.

Patuloy ang operasyon ng mga pangunahing establisyemento na kailangan ng lahat katulad ng supermarket, groceries store, convenient stores, pamilihang bayan, drug stores, fast food (for take-out & delivery services only), bangko, money transfer services, hardware at kahalintulad na pagseserbisyo.

Ang mga frontliners na nagbibigay ng serbisyong medikal, emergency responders ay patuloy pa rin na magbibigay ng kanilang serbisyo.

Bilang pag-iingat at seguridad, isa lamang sa bawat pamilya ang maaaring lumabas ng kanilang tahanan upang bumili ng kanilang mga pangangailangan.

Inaatasan ang lahat ng Punong Barangay na sundin at mahigpit na ipatupad ang lahat ng alituntunin na nakapaloob sa kautusang sumasakop sa ECQ sa kanilang nasasakupan sa lahat ng oras at pagkakataon.

Manatili po tayong kalmado sa pagharap sa patuloy nating laban sa COVID-19. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here