Vice Gov. Jolo Revilla ‘damage is done’

0
196

VERY apologetic si Vice Governor Jolo Revilla dahil sa lumabas na larawan ni Lapu-Lapu na napagkamalang si Magellan sa kanyang social media account.

 May caption pa ang nasabing larawan: “Isang pagsaludo sa kagitingan ng isa sa mga unang bayani ng bayan na si Ferdinand Magellan na nagbuwis ng kanyang buhay para sa kalayaan 500 na ang nakararaan!”

Viral ang nasabing larawan dahil napuna ng mga netizens na mali ang pagkakalagay ng caption.

Anila, “hindi raw si Magellan ang nagligtas sa bayan kundi si Lapu-Lapu.”

Hindi Pinoy si Magellan kundi isang Portuguese, pero kasama ng mga Espanol na gustong sakupin ang Pilipinas.

“I apologize for the earlier confusing post on our celebration of Lapu-Lapu’s victory in Mactan 500 years ago.

“At  intern in our social media team posted the caption to our meme without first clearing it.

“Again my sincerest apologies to our Cebuano kababayans and to all Filipinos,” pahayag ng Cavite Vice Governor sa kanyang FB personal account.

Ang mga netizens hindi kumbinsido sa tinuran ng anak nina Sen. Bong Revilla at Bacoor Mayor Lani Mercado.

Batikos mula sa mga netizens ang natanggap ni Jolo.

“Sisihin pa talaga ang intern diba – eh bakit kasi di mo chineck? Command responsibility, huy!”

“Hindi din alam. Un lang un. Pero kahit grade 6 alam yan”

“Lels. sisi s iba ang peg sympre. Dati bola muna bago droga, now ito.”

“Pag walang ganap, magpasikat.”

“Napakadaming bagay na pwedeng gamitin kung gusto magpasikat ng isang tao but never ang stupidity.”

“Kahit elementary alam yan Gov. Lapit na pala election noh awww

“Hee Hee! Ang galing ng research team mo, Vice Gov!”

“The first rule of leadership is ‘everything is your fault.’ Wala man accountability tong gov na to.”

“Nakoooo wag kami may history ka na ng kashungahan mo sa ganyan ?? hello hello “bola muna, bago droga” lol”

Maging ang propaganda noon ni Sen. Bong sa pangangampanya ay nagamit ng bumabatikos.

“Aral muna bago budots hahaha”

“Sorry, palusot ka pa Jolo! You mean to say, you don’t remember who is Ferdinand Magellan! What is his role in the Philippine History? I’m sure whoever your teachers in Social Studies in your elementary days, will be ashamed, how they were not able to instill in your coconut shell, who is Ferdinand Magellan. My golly!”

Ayon naman sa isang commenter, tama na raw ang pagso-sorry dahil ‘damage is done.’ (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here